Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Vilma Santos Angkas George Royeca

Ate Vi sanay umangkas sa motor

I-FLEX
ni Jun Nardo

SANAY sumakay sa motorsiklo ang Star for All Seasons na si Vilma Santos-Recto o kilala ring si Ate Vi ng showbiz.

Kaya naman nang kunin si Vilma na ambassadress ng Angkas Motorcycle taxi eh, sanay na sanay na siyang umangkas sa motor.

Kuwento ni Vi sa launching niya, “Mahilig sa big bike si Ralph. Sumasakay ako sa likod.

“Misan after show ko na ‘Vilma,’ sinundo niya ako. Inangkas niya ako kahit nakasuot ako ng gown.

“Eh hindi pa uso ang helmet noon, kaya nang dumaan kami sa EDSA at na-traffic, may bus na tumapat sa amin at nagtaka suot ko na naka-gown sakay ng motor.

“Hayun, pagdating namin ni Ralph sa pinuntahan namin, brineyk  ko siya! Ha! Ha! Ha!” kuwento ni Ate Vi.

Of course, ang makapagbigay ng trabaho at magsilbi ng safe sa mga tao ang rason kung bakit tinanggap niyang maging Angkas ambassadress ng Angkas owner na si George Royeca na aminado na isang Vilmanian!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun Nardo

Check Also

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …

Will Ashley Odette Khan Bar Boys 2

Will Ashley natulala kay Ms Odette: Sobrang goosebumps, gusto ko pagtanda ko ‘yun ako

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez PURING-PURI ni direk Kip Oebando si Will Ashley dahil sa galing nitong umarte at nagampanan …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …