Thursday , December 18 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Queenay Mercado Jam Magcale Joshua Garcia

Queenay umaming gusto si Joshua; hanap ang tunay na pag-ibig

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

ISA sa paborito kong panoorin ang mga video post ni Queenay Mercado sa  Facebook dahil nakaaaliw ang pagsasalita niya ng puntong Batagueno bukod pa sa kababayan ko siya.

Kaya naman nang humarap ito sa entertainment press noong Miyerkoles bilang paglulunsad sa kanya ng Jullien Skin na  pag-aari ng batambatang CEO at pwede ring mag-artistang si Ms. Jam Magcale bilang kanilang endorser, nakagiliwan namin ang pakikitsika sa kanya.

Sabi nga ni Ms Jam, young and sweet si Queenay kaya ito ang kinuha nilang mukha ng kanilang produkto.

Madalas na usapan nina Queenay at ng kanyang inay ang ukol sa mga manliligaw. Kaya natanong ito kung may nanliligaw na ba sa kanya?

May mga naliligaw din ho. May mga sumusulpot parang kabute, na mamaya ay lulubog, lilitaw,” sagot ng sikat na social media influencer.

Sinabi pa ni Queenay na hinahayaan lamang niya iyong mga lalaking sumusulpot dahil aniya, “alam naman natin na ang pag-ibig ay nandiyan lang.

“At kung tunay na pag-ibig ang hahanapin ay baka ma-hopia tayo pero siyempre hahanap din tayo at gagawa ng paraan paminsan-minsan.”

Naitanong din sa Tiktok superstar na may 13M followers kung sino ang crush niya sa showbiz.

Lalaki po?” natatawang biro nito at idinagdag ang, “Aba, malay niyo, babae rin pala ang tipo ko! Hahahaha! Joke lang po!”

At sinambit ang pangalan ni Joshua Garcia.“Pero si Joshua Garcia po talaga ang gusto ko. Joshua Garcia po talaga.

“Napakabait naman kasi niya sa personal. At napakahusay niyang umarte eh.”

Sa kabilang banda hindi rin naitago ng presidente ng JDM Corporation, na siyang namamahagi ng bagong skincare brand, ang excitement sa paglalabas ng Jullien Skin sa Philippine market. “Everyone wants to feel beautiful in their own skin,” ani Ms Jam. “We created Jullien Skin para mailabas ang ganda ng bawat Filipino. It is all about offering quality and effective skincare at an affordable price that Filipinos everywhere can enjoy.”

Sinabi pa ni Ms. Jam na bagay na bagay na endorser nila si Queenay, na bukod sa maganda, mabait, malinis ang image, at masayahin pa.

Ang Jullien Skin Rejuvenating Set ay may Kojic cleaning soap, rejuvenating toner, hydrating sunscreen, at rejuvenating night cream, na nanganganong magkakaroon ang sinumang gagamit nito ng  clear, protected, at hydrated sa loob lamang ng 30 na regular na paggamit nito. Exclusive na mabibili ito sa Puregold sa halagang P299.

Excited din si Queenay sa Jullien Skin. “Ang laki po ng impact ng skincare sa aking beauty routine. That’s why I’m so grateful for being chosen as an endorser for Jullien Skin. Having skin that feels and looks good on the outside helps me exude self-confidence! That’s the feeling I want to share with everyone who picks up a Jullien Skin Rejuvenating Set.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Ina de Belen Janice de Belen Im Perfect Sylvia

Janice ipinilit ang sarili, napamura sa ganda ng I’m Perfect

MA at PAni Rommel Placente HINDI na active sa kanyang career si Ina de Belen. Hindi …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …

Ice Seguerra Being Ice

Ice Seguerra’s Being Ice: Live! mapapanood sa New Frontier

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez ISANG one-night-only homecoming show ang muling ibabalik ni Ice Seguerra matapos mapanood at …