MATABIL
ni John Fontanilla
NAGBABALIK-KONSIYERTO ang actress/ singer na si Laverne sa isang self-titled benefit show: LAVERNEsa February 25, na magiging espesyal na panauhin niya sina Dingdong Avanzado at Marissa Sanchez na gaganapin sa Teatrino Theater, Greenhills, San Juan.
Bukod sa nasabing konsiyerto ay mayroon ding bagong handog na awitin si Laverne sa kanyang mga tagahanga at ito ang awiting Kahit Ilang Ulit na available na sa lahat ng digital platform.
Isa sa iniidolo at tinitingalang singer na gustong-gustong maka-collab at makasama sa konsiyerto ni Laverne ang Pinay Diva na si Ms. Kuh Ledesma. Dream come true para sa kanya na nakasama sa proyekto ang mahusay na singer.
After nga ng konsiyerto sa bansa ni Laverne ay may concerts pa itong gagawin sa USA, Australia at ilang karatig bansa sa Asya.