Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Joel Lamangan, Darryl Yap
Joel Lamangan, Darryl Yap

Direk Darryl kay direk Joel —  Hindi ninyo ako puwedeng sipa-ipain!

I-FLEX
ni Jun Nardo

TINAPOS muna ni direk Darryl Yap ang grand prescon ng Viva movie niyang Martyr or Murderer at pinababa sa stage ang cast bago siya naglitanya ng pasabog laban sa director na si Joel Lamangan na tatapatan ang movie niya sa showing nito sa March 1.

Eh sa nakaraang presscon ng movie ni direk Joel, sinabi niyang ang Viva movie ang tumapat sa kanila. At saka ipinakita ni direk Yap ang video clip ng pahayag ni Lamangan na tatapatan nila ng next movie niyang ginawa ang Maid in Malacanang.

Kinukulit si direk Darryl ng press at vloggers  tungkol sa bagong pahayag ni Lamangan kaya nagsalita na mas mainit na pasabog.

Actually it’s not us who made tapat,” panimula ni Yap.

Bahagi pa ng pahayag ng MOM director, “I guess ‘yung masasakit na salita na pinalalabas nila sa boss ko at sa producer ko, hindi dapat palagpasin.

 “Ayoko kasi na magpo-post ako online at masasaktan ko ‘yung mga taong hindi dapat masaktan.

“‘Yung sinasabing ginawa ang ‘Martyr or Murderer’ para tumapat sa kanila, isang malaking kalokohan ho ‘yon.

“Direk Joel, huwag po nating lolokohin ang mga tao. Ang tanda-tanda mo na, sinungaling ka pa.

“Ang hindi ko pagsasalita laban sa ‘yo ay kabaitan hindi ‘yun karuwagan.

“Huwag mong sasabihin na ang producer ay takot na  pondohan ka kasi anti-Marcos ka. Walang ginagawa ang gobyernong sikilin ang media at cinema.

“Kaya natatakot ang producers, baka mag-flop ka. Tigilan na natin ang panloloko at pantatanga sa mga filipino.”

Dugtong pa ni Darryl, “Wala ko akong award kahit isa. Wala akong panama sa laki ng pangalan ninyo.

“I look up to you. Even to you Miss Cherry Pie.

“Ang tatanda n’yo na, ang sinungaling ninyo pa!” matapang pang sabi ng MOM director.

Babala pa ni Yap, “Hindi ninyo ako puwedeng sipa-ipain! Direk Joel, kaoopera mo lang noong December. Huwag kang magsinugaling na kami ang tumatapat sa ‘yo. Kayo ang tumapat!”

Ano kaya ang ending ng bakbakang ito nina Joel at Yap?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun Nardo

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …