Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Darren Evangelista Langoy Pilipinas
INILAHAD ni Langoy Pilipinas founder and organizer Darren Evangelista, mula sa Golden East Ads Promo and Events, ang serye ng programa para sa mga mapipiling manlalangoy, sa ginanap na press con ng Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) noong Huwebes sa PSC Executive Room sa Rizal Memorial Sports Complex sa Malate, Maynila. (HENRY TALAN VARGAS)

Top swimmers ng Langoy Pilipinas sasabak sa Guam

KASADO na ang programa para sa international exposure ng mga batang medalists at promising swimmers na lalahok sa ‘Langoy Pilipinas’ swimming series na sisikad sa gaganaping 1st Gov. Ruel D. Pacquiao Championships sa 25-26 Febrero sa Sarangani Sports Training Center Swimming Pool sa Alabel.

Ibinida ni Langoy Pilipinas founder Darren Evangelista, 10 lungsod at lalawigan mula sa National Capital Region (NCR), Luzon, Visayas, at Mindanao ang nakipagtambalan sa kanilang programa sa layuning mas mabigyan ng karagdagang exposure ang mga swimmers na nasa Class A at B.

“Tinatawag namin itong grassroots program para sa elite, ‘yung may mga personal best time na at focus na mas mapababa ang kanilang best time, matagal din kasing nawala ito. Marami na kasi tayong mga kaibigan at kasama na gumagawa n’yan all over the country may tournament para sa Class C at D,” pahayag ni Evangelista ng Golden East Ads Promo and Events, sa ginanap na Tabloids Organization press conference sa Philippine Sports, Inc. (TOPS) sa PSC Executive Room sa Rizal Memorial Sports Complex sa Malate, Maynila.

“This is a 10-event tournament, a qualifying for the team na isasali natin sa Guam Pacific Championship. Nakausap ko na ang Governor ng Guam, her Honorable Lourdes A. Leon Guerrero at pormal na akong nagpadala ng sulat para sa participation ng ating mga swimmers this year. Bale ‘yung top 10 sa bawat age group ang ipadadala natin para sa kanilang international exposure,” sambit ng NCAA five-time swimming coach champion hinggil sa program na itinataguyod ng Philippine Sports Commission (PSC) at Behrouz Persian Cuisine.

Bukod sa Sarangani, isasagawa ang Langoy Pilipinas sa Cagayan at Dumaguete City sa Mindanao;  Bohol, Roxas, at Bacolod sa Visayas; Laguna, Cavite, at Tarlac sa Luzon; at sa Maynila para sa NCR.

“Marami pang nakikipag-usap sa amin pero tinitingnan pa namin ‘yung venue kasi dapat Olympic-size ang pool. Actually, sa Manila dapat ang take off namin ‘yung Manila Mayor Honey Lacuna Cup sa February 18-19, but the Stabilization Committee for swimming ay nagpatawag ng tryouts kaya nag-give way kami to support the national program para sa ating mga atleta,” aniya.

Dahil sa suporta ni Gov. Pacquaio, ibinida ni Evangelista na may 80 swimming clubs at koponan mula sa Mindanao area ang kompirmadong lalahok sa torneo na gaganapin sa Olympic-size pool na ipinatayo ng lokal na pamahalaan, isang patunay sa hangarin nitong pataasin ang kalidad ng swimming sa rehiyon.

Ipinagpasalamat din ni Evangelista ang suporta ng United Laboratory at Right Med, gayondin ang pakikiisa ng Swim League Philippines (SLP) at Congress of Philippine Aquatics, Inc. (COPA) sa programa ng Langoy Pilipinas.

“For 12 years, tinutulungan na kami ng Unilab at Right Med. Hindi biro ang gastusin sa isang tournament, kaya pasalamat kami sa kanilang suporta. Actually nagsimula kami rito 12 years ago sa Davao, but now dahil Manila-based na kami, ibinalik namin and make it bigger,” pahayag ni Evangelista.

Ibinida ni Evangelista na handa ang organizer na bigyan ng diskuwento o libreng tatanggapin ang mga kapos-palad na atleta ngunit determinadong mapaunlad ang sarili sa sports. (HTV)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Pinoy para athletes Asian Youth Para Games

Pinoy para athletes, hangad ang medalya sa Asian Youth Para Games

DUBAI, United Arab Emirates — Handa na sina Chester Rabanal at Christian Pepito para sa …

Cayetano SEA Games

Cayetano, todo suporta sa Philippine delegation sa 33rd SEA Games sa Thailand

PINANGUNAHAN ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang send-off para sa tatlong pambansang koponan …

Milette Santiago-Bonoan Mike Barredo Goody Custodio

Team Philippines Handa na sa Asian Youth Para Games sa Dubai

Dubai, UAE – Buong tiwala ang Team Philippines na mauulit o malalampasan nila ang kanilang …

POC Abraham Tolentino

Obiena at Iba Pang Atleta, Hindi Dadalo sa Opening Rites

BANGKOK – Hindi dadalo sa opening ceremonies, kabilang ang parada na pangungunahan ng two-time Olympian …

SEAG Baseball Clarance Caasalan

PH batter, winasak ang Malaysia para manatiling perpekto sa tatlong laban

PATHUM THANI, Thailand—Nagpatuloy ang Pilipinas sa kanilang panalo sa kompetisyon ng men’s baseball sa ika-33 …