Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bianca Manalo Politician Hunter?

POLITICIAN hunter. Ito ang bansag ng mga basher sa dating beauty queen at actress na si Bianca Manalo dahil sa kanyang mga naging karelasyong na mga prominenteng politiko, kabilang ang dating boyfriend na si Antique Mayor Jonathan Tan at Sen. Sherwin Gatchalian

Dahil sa mga naging kaugnayan niya sa mga politiko, marami ang kumukuwestiyon sa layunin ng aktres. May ilan na nakikita ang kanyang mga koneksiyon bilang isang simpleng relasyon lang, samantalang ang iba naman ay nakikita ito bilang simbolo  umano ng oportunismo.

Unang nakilala sa publiko si Bianca noong 2009 matapos siyang makoronahan bilang Binibining Pilipinas Universe at kumatawan sa Pilipinas sa Miss Universe pageant. Pagkatapos ay pinasok ang mundo ng showbiz at naging aktres sa ilang popular na palabas sa telebisyon. Ngunit mas lalo itong nakilala ng publiko dahil sa mga naging nakarelasyon na mga politiko.

Ang kanyang relasyon kay Mayor Tan ay naisapubliko matapos silang ma-involve sa isang boat accident kasama ang aktres na si Ehra Madrigal, na naging usap-usapan. Matapos maghiwalay nina Manalo at Mayor Tan, lumabas naman ang mga larawan ni Bianca kasama si Sen Gatchalian na nagsa-shopping sa Hongkong sa social media, na muling nagbigay ng interes sa kanyang personal na buhay at mga koneksiyon sa mundo ng politika.

Noong unang bahagi ng 2019, napag-usapan ang romantic relationship nina Bianca at Sen Sherwin matapos lumabas ang mga nasabing larawan. Pinagpiyestahan sa social media at tradisyonal media ang mga tsismis kung totoong may romantic relationship ang dalawa. Ang espekulasyon tungkol sa relasyon nina Bianca at Sen Gatchalian ay nagpatuloy at noong Nobyembre ng taong iyon, napa-ulat na lang na nag-celebrate ang mga ito ng kanilang unang anniversary.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …