Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
JK Labajo Ako Si Ninoy Aquino

Ako si Ninoy ni direk Vince walang paninira sa Marcos; JK Labajo swak sa pagiging Ninoy

I-FLEX
ni Jun Nardo

IBANG estilo ng paglalahad ng kuwento tungkol sa yumaong senador na si Ninoy Aquino ang ipinakita ni direk Vince Tanada sa obra niyang Ako Si Ninoy.

Hinaluan ng musical ang movie na isa sa forte ni direk Vince kaya naman swak sa movie ang lead actor, ang singer na si JK Labajo.

Walang paninira sa Marcos. Pero maraming beses na umani ng palakpak sa nanood sa premiere ng movie.

Nagamit din sa movie ang hit song ni JK na Buwan na umayon naman sa kanyang emosyon sa isang eksena habang rehas na bakal ang nakapaligid at buwan lang ang kanyang ilaw.

Gandang tingnan ng loveteam nina Joaquin Domagoso at Cassy Legaspi bilang mga kabataang ipinaglalaban ang adhikain ni Ninoy.

May mga sorpresa sa movi na sana’y bigyan pansin din ng manood sa February 22 at hindi lang ‘yung magkalabang movie sa March 1.

Ay, sumuporta  pala si direk Joel Lamangan sa premiere ng movie na alam nating anti-Marcos ang ginawang Oras de Peligro movie.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun Nardo

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …

Cassy Legaspi

Cassy sa serye ng kanilang pamilya: this is our love letter

RATED Rni Rommel Gonzales THANKFUL din si Cassy Legaspi sa seryeng pinagbibidahan ng kanilang buong pamilya, ang Hating …