Tuesday , October 3 2023
Manila Film Festival Honey Lacuna

Manila Film Festival ibabalik

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

ISANG magandang balita ang inihayag ng lungsod ng Maynila, at ito ay ang pagbabalik ng Manila Film Festival. Ibabalik ang MFF ngayong 2023 ayon na rin sa  mungkahi ni Manila Vice Mayor Yul Servo na sinang-ayunan  ni Mayor Honey Lacuna.

Naisakatuparan ang adhikaing ito nang makipagkaisa ang Manila government kay Saranggola Media Productions producer, Edith Fider na siyang lumikha ng mga pelikulang Damaso, Tatlong Bibe, Suarez: The Healing Priest, Ayuda Babes, at  orme: The Isko Domagoso Story. 

Ani Mayor Lacuna, “Siya po ang naging katuwang namin at siya po ang magbibigay ng grant para sa walong mapipiling screenplay na kasama sa Manila Film Festival.

“Matagal na pong nawala ang Manila Film Festival at dahil sa aking energetic partner (VM) Yul Servo ay sila (Ms. Edith) pong dalawa ang nag-conceptualize para sa pagbabalik ng MFF.”

Isang Memorandum of Agreement din ang naganap sa pag-aanunsiyo ng pagbabalik ng Manila Film Festival. 

“Sabi ko po kay Mayora, gaining back na ito sa akin bilang batang Maynila po ako and because of mentors since I was a child nakuha ko ‘yung passion at kung ano po iyong gusto kong gawin sa buhay ko and this is filmmaking.

“Maliit lang na production (Saranggola) pero somehow malalaking pelikula naman po ‘yung mga nagagawa namin awa ng Diyos,” pahayag ni ni Ms. Edith.

Anang producer, maraming producers ang nangako sa kanya na tutulong at  magbibigay ng grant. May mga talent manager din at artista na nagpahayag ng tulong at handang mag-wave ng talent fees.

Pero siyempre hindi naman iyon hahayaan ni Ms Fider dahil aniya, magaabot pa rin sila kahit honorarium para kahit paano ay may pamasahe papunta ang mga artista sa shooting

“Mga filmmakers na kagaya ko na willing sila to adopt participants para i-produce nila at that’s one thing achievement kasi may mga partner na rin kaming producers na willing to join hands in Manila para sa endeavor na ito,” sambit pa ng producer.

Sa March 20 ang announcement ng selected eight entries, awarding of first tranch of production grants, assignment of mentors; June 2 naman ang submission of completed film and teaser; June 3-24, promotion period; June 17 film screening at ang petsa ng awarding of prizes to follow.

Dumalo sa mediacon sina Direk Al Tantay at Direk Jay Altarejos. 

Taong 1994 pa ang huling Manila Film Festival at hindi na nasundan dahil sa eskandalong kinasangkutan noon nina Gabby Concepcion at Ruffa Gutierrez bilang ipinanalong Best Actor at Best Actress gayung ang talagang nanalo ay sina Edu Manzano at Aiko Melendez.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Joey de Leon

E.A.T, Joey mabilis na humingi ng paumanhin; Showtime deadma

HATAWANni Ed de Leon MATAPOS punahin ng mga tao ang isang joke ni Joey de Leon at …

Kids Toy Kingdom show

Kathryn, Bitoy, at Barbie, wish maging guest sa Kids Toy Kingdom Show ng mga host nito 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AARANGKADA na ngayong Sabado (Sept. 30) ang Kids Toy Kingdom Show (Season 2) at ipinahayag ng …

Angelika Santiago

Angelika Santiago, waging Young CEO of The Year at Female Best Dressed sa 3rd Diamond Excellence Awards

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SOBRA ang kagalakan ng Kapuso actress na si Angelika Santiago …

Gabby Concepcion David Licauco

Gabby at David bibida sa isang charity show

MATABILni John Fontanilla ISANG napakalaking show ang magaganap sa kaarawan ng kaibigang Genesis Gallios sa Newport Performing …

Nadine Lustre

Nadine trending ang pagtu-two piece sa IG

MATABILni John Fontanilla TRENDING sa social media si Nadine Lustre nang mag-post ito sa kanyang Instagram, @nadine ng mga …