RATED R
ni Rommel Gonzales
ISA si Kokoy de Santos sa talagang tinitilian ng fans saan man siya magpunta.
Kapag may mall show na kasama siya ay madalas na isa siya sa may pinakamalakas na hiyawan mula sa fans.
Sa palagay niya, bakit ganoon na lamang ang karisma at atraksyon niya sa mga tao, lalo na sa teenagers?
“Blessed lang ni Lord.”
Bukod doon?
“Hindi ko alam, hindi ko nga rin alam,” at natawa si Kokoy.
May mga nagsasabi, mapagmahal kasi si Kokoy sa kanyang fans, sa kanyang mga “Kolokoys.”
“Mahal ko talaga sila! Kasi bilang ako nga fan din ako, marami rin akong hinahangaan and ‘yung feeling na ‘pag napapansin ako ng hinahangaan ko parang ano siya eh, ibang klaseng experience.
“Parang lifetime mo siyang bibitbitin so, ako bilang andito ako sa posisyon ko ngayon na may mga tagahanga naman kahit paano, as in ang mga Kolokoys ko, papansinin ko sila.
“Kung kaya ko lang silang isa-isahin. Pero hindi kaya eh, hindi talaga kaya,” at natawa si Kokoy. “So hangga’t maaari nag-e-engage ako sa kanila lagi lalo na kapag in person, sa social media hindi rin masyado eh, ‘di ba?
“So bakit hindi, ‘di ba? As a fan,” ang nakangiting sinabi pa ni Kokoy.
Kaya tiyak na matutuwa ang mga tagahanga ni Kokoy dahil mapapanood na sa wakas ang kuwento ng kanyang tunay na buhay sa Magpakailanman o #MPK ngayong Sabado ng gabi sa GMA na siya mimso ang gaganap sa kanyang sarili.
May titulong A Son’s Promise: The Kokoy De Santos Story” kasama niya sina Analyn Barro bilang si Mika, Migs Villasis as Argel, Shamaine Buencamino as Mommy Chennie, Jennie Gabriel as Kai, at Jong Cuenco as Daddy Ronald.