Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Heart Evangelista

Heart nagpahayag ng saloobin ukol sa pagbubuntis — it’s always painful to lose a child

RATED R
ni Rommel Gonzales

KATATAPOS lang ipagdiwang ang kanyang 38th birthday, natutunan ni Heart Evangelista na huwag pilitin ang kanyang sarili na magkaanak, sa kabila ng pressure na kanyang nararamdaman noon.

Sa Chika Minute report ni Nelson Canlas sa 24 Oras Weekend nitong Sabado, inihayag ni Heart ang kanyang saloobin tungkol sa pagbubuntis sa isang event na sumesentro sa katotohanan tungkol sa mga kababaihan.

Hindi ko siya pinag-uusapan actually, kahit maraming nagtatanong because no matter how you put it, it’s always painful to lose a child. And I didn’t just lose one, I lost twins,” sabi ni Heart.

Nakaramdam din ng pressure si Heart noon na magkaanak.

I must say before, yes. I must say, it wasn’t just because dahil artista ka. Of course subconscious, ‘yung mga makikita mong comments ‘di ba? Pero because dahil lahat ‘yon at kahit ‘yung ibang kilala mo sa buhay mo, they expect that for me. At this point hindi siya ibinibigay sa akin, so bakit ako magmumukmok or bakit ako magse-celebrate rin? I will just live my life and I’m happy,” saad niya.

Kaya naman sa ngayon, hindi siya sumusubok na magkaanak.

No I’m not. Kasi kung pipilitin mo ‘yung hindi para sa ‘yo, para saan pa? But kung para sa ‘yo, eh ‘di para sa ‘yo. I’m not giving up but I’m not pressuring myself,” sabi ni Heart.

Ipinagdiwang ni Heart ang kanyang kaarawan kahapon, Pebrero 14, Araw ng mga Puso.

Habang tumatanda ka tumatapang ka. Hindi ibig sabihin sumasama ang ugali mo, iba ‘yon. You gain wisdom and you become strong to defend yourself, to defend your loved ones,” sinabi pa ng Kapuso Queen of Creative Collaborations. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …