Sunday , November 17 2024
Eric Buhain swimming
“MAGTULUNGAN at magkaisa para sa iisang layunin na magkaroon ng tunay na development sa ating sports,” pahayag ito ni swimming legend Batangas 1st District congressman Eric Buhain sa kanyang pagbisita sa Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’ nitong Huwebes sa Philippine Sports Commission (PSC) Executive Lounge sa Rizal Memorial Sports Compex, Malate, Maynila. Kasama sa larawan ang TOPS officers at Samahang Weightlifting ng Filipinas (SWP) president Monico Puentevella. (HENRY TALAN VARGAS)

Buhain nanghimok makilahok sa PH swimming tryouts

HINIKAYAT ni swimming legend Batangas 1st District congressman Eric Buhain ang lahat ng Filipino swimmers na lumabas, makiisa, at lumahok sa isasagawang national try-outs ng Stabilization Committee para sa binubuong Philippine swimming team na isasabak sa 30th Southeast Asian Games sa Cambodia sa Mayo 2023.

Iginiit ng two-time Olympian at Southeast Asian Games record-holder na nakapanghihinayang ang pagkakataon na ibinigay ng World Aquatics sa Philippine swimming community kung babalewalain ng mga atleta, coaches, at swimming club managers, gayondin ng iba pang stakeholders ang itinakdang try-outs para mapili ang mga tunay at ‘deserving’ swimmers para sa Philippine Team.

“Libre ito. For the first time after more than two decades na magkakaroon ng national try-outs na open for all swimmers, kaya hinihikayat ko ang lahat na lumahok dito. Itong nangyari sa Philippine swimming ay dapat nating ipagpasalamat dahil natapos na ang problema. Kalimutan na natin ang animosity, magkaisa na tayo para sa iisang layunin na magkaroon ng tunay na development sa ating sports,” pahayag ni Buhain sa kanyang pagbisita sa Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’ nitong Huwebes sa Philippine Sports Commission (PSC) Executive Lounge sa loob ng Rizal Memorial Sports Compex.

“Ang mensahe ko, sumali kayo, pagkakataon na natin ito. Actually, matagal na natin itong ipinagdasal na may isang anghel na sumagot sa atin at yan ang Philippine Olympic Committee (POC). Pinakingan tayo at nagkaroon ng pagkakataon. Lahat welcome, niyayakap tayo ng Stabilization Committee.

“Go there and test your abilities against the best Filipino swimmers. Sa Cambodia SEA Games, ito na ang umpisa ng inclusivity sa Philippine swimming,” sambit ni Buhain sa lingguhang forum na itinataguyod ng Philippine Sports Commission at Behrouz Persian Cuisine.

Sa pakikipagtulungan ng Asian Swimming Federation, nabuo ng Stabilization Committee ang selection criteria at itinakda ang National try-outs sa swimming, gayondin sa water polo at diving sa 16-19 Febrero sa Clark Aquatics Center sa Capas, Tarlac.

Mismong ang ASF ang namahala sa training ng may 60 technical officials na siyang mangangasiwa sa tryouts.

“Huwag natin sayangin ang pagkakataon. Ang importante looking forward na tayo. Nakikita na natin ang kinabukasan ng ating mga swimmers at ng sports,” pahayag ni Buhain.

Ang swimming events na kailangang lahukan sa SEA Games ang men and women 50, 100, 200, 200, 800 at 1,500 meters freestyle; 50, 100 at 200 meters butterfly, backstroke at breaststroke; at 200 and 400 individual medley.

Sa panig ng fin-swimming na hiwalay na asosasyon, sinabi ni Buhain, pangulo rin ng Congress in Philippine Aquatics, Inc. (COPA), na naging matagumpay ang pakikipagtulungan nila sa Philippine Finswimming Federation, Inc. (PFFI) at naisagawa ang tryouts sa Luzon, Visayas, at Mindanao para matukoy ang apat na lalaki at apat na babaeng isasabak sa Sea Games.

“Sa finswimming, ito ‘yung event sa bi-swimming at monofin. Naisagawa na natin ang tryouts at nakabuo na ng team si coach  Mary Ann Reyes,” sambit ni Buhain.

Sa pamamagitan ni POC president Bambol Tolentino lumagda ng kasunduan ang COPA at PFFI sa pamumuno ni Maria Tatjana Claudeene Medina para pangasiwaan ng COPA ang tyryouts.

Nakatakda ang Cambodia SEA Games sa 5-17 Mayo 2023. (HTV)

About hataw tabloid

Check Also

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

QUEZON CITY — Nakatakda na ang lahat para sa pagtulak ng Victoria Sports Club open …

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …

Michael Concio, Jr Timur Gareyev

P.1-M nasungkit sa Armageddon tie-break
FILIPINO IM CONCIO GINULAT SI UZBEK SUPER GM GAREYEV

Oroquieta City — Nagpamalas ng husay si International Master Michael Concio, Jr., ng Filipinas sa …

Xiandi Chua Philippine Aquatics Inc PAI

Chua, nakahirit pa sa World Cup, 3 bagong marka ng PH nakamit

IBINIDA ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) ang matikas na pagtatanghal ng National Team nitong weekend …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino nangako ng balance at matinding kompetisyon

HABANG ang Premier Volleyball League ay naghahanda para sa pagsisimula ng All-Filipino Conference sa Nobyembre …