Monday , December 23 2024
Bongbong Marcos Tokyo Gas LNG

Pamumuhunan ng Japanese energy giant sa bansa, pinuri ni Marcos

INIHAYAG ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., ang mahalagang papel ng liquefied natural gas (LNG) terminal facility ng Tokyo Gas at ng Lopez-owned First Gen sa paglipat ng bansa mula sa fossil fuels tungo sa green energy.

Sa isang pulong sa Tokyo na dinalohan nina Tokyo Gas president at CEO Takashi Uchida at First Gen chairman at CEO Federico “Piki” Lopez, binigyang-pansin ni Marcos kung paano nagpasya ang Japanese energy giant na mamuhunan sa Filipinas.

               “Even before it was decided that LNG would create this large role in our energy mix because we are very much talking about the mix between renewables and traditional at the time,” pahayag ni Marcos.

“But now we are here now and certainly that is the most critical part of our plans for the future,” ayon sa Pangulo.

Inaasahang sisimulan ng First Gen ang komersiyal na operasyon ng LNG terminal nito sa Batangas sa Hunyo o apat at kalahating taon mula nang gumawa ang Lopez firm ng 80-20 partnership sa Tokyo Gas.

Ang Malampaya gas field ay inaasahang mauubos sa loob ng tatlong taon at nagmamadaling magtayo ng mas maraming utility para mahawakan ang inaasahang pagtaas ng importasyon ng LNG.

“We are encouraged that if in the view of Tokyo Gas that it is worth the investment, then we feel that we are going down the right path for our country’s energy mix and we are grateful for that vote of confidence that you have shown by your investment in the future of the Philippine economy, the future especially of our energy supply from liquefied natural gas,” ayon kay Marcos.

Sinabi ni Marcos, umaasa ang bansa sa LNG bilang isang transition fuel dahil aabutin pa ng anim hanggang pitong taon para makuha ang benepisyo ng solar at wind power na kasalukuyang ginagawa.

“What do we do in the meantime? We are examining the possibility of taking more traditional wind and solar power, geothermal, all of these. But it will take time to come into play because the infrastructure has to be put in place. That’s why we are doing all we can to find ways to further– to encourage extraction of LNG,” dagdag ng punong ehekutibo.

Ang iba pang opisyal na dumalo sa courtesy call ni Marcos kasama ang Tokyo Gas executive ay sina Speaker Martin Romualdez, dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, Senate President Migz Zubiri, Special Assistant to the President Antonio Lagdameo, at Presidential Adviser on Investments at bilyonaryong si Frederick Go.

About hataw tabloid

Check Also

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …