Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Katrina Halili

Katrina ‘di totoong iiwan ang showbiz

RATED R
ni Rommel Gonzales

HINDI totoong tinalikuran na ni Katrina Halili ang showbiz dahil sa Palawan na ito namamalagi.

Tuloy pa rin ang showbiz career ni Katrina, katunayan ang pagigigng visible niya sa sari-saring proyekto ng GMAtulad na lamang ng teleserye na Unica Hija at ang latest ay ang guesting ni Katrina sa Magpakailanman ni Ms. Mel Tiangco.

Kapag walang taping, umuuwi si Katrina sa Palawan dahil naroroon ang kanyang anak na si Katie.

Parang gusto ko munang mag-focus sa anak ko and ibang life rin naman kasama ‘yung family ko sa Palawan.

“Alam mo ‘yun, kapag hindi rin naman ako nagsu-shoot,” pahayag ng aktres.

Ginagampanan muna ni Katrina ang kanyang mommy duties sa malapit ng mag-11 years old na si Katie.

At para mas mabantayan si Katie ay nagtayo si Katrina ng restaurant sa El Nido na malapit sa eskuwelahan ng kanyang anak.

Sa bagong #MPK episode ngayong Sabado ng gabi ay bibida si Katrina bilang si Baby sa The Power of Love: The Miguel and Baby Duhaylungsod Story kasama sina Rodjun Cruz (Miguel), Faye Lorenzo (Maribel), Ashley Sarmiento (Grace), at Clarence Delgado (Arjay).

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …