Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Smart DonBelle Donny Pangilinan Belle Mariano

DonBelle nagpakilig sa bagong Smart Prepaid TVC

MAAGANG selebrasyon ng Araw ng mga Puso ang inihatid kamakailan ng Smart Prepaid para sa mga masugid na tagahanga ng DonBelle’, sa pamamagitan ng mga nakakikilig na kulitan nina Donny Pangilinan at Belle Mariano, ang isa sa mga pinakamasikat na tambalan ng bagong henerasyon.

Pinainit ng DonBelle ang ‘ligawan’ nila sa 30-second TVC sa pagpapakita nila ng mga simple pero hindi malilimutang karaniwang ginagawa ng magsing-irog. Kitang-kita ang kulitan nila sa mga nakatatawang pagse-selfie, at nag-Tiktok pa habang walang kyimeng nagsayaw, mga tagpong mala-pelikula ang dating, na nagpapatunay na masaya silang kasama ang isa’t isa.

Para mapanood ang mga nasabing kilig moments, magtungo sa https://www.youtube.com/watch?v=25P8RtrZrto

Nang itanong kung ano ang pinaka-importanteng sandali para sa kanila, pareho ang naging tugon ng DonBelle.

Ang gusto ko sana patuloy kong mabalanse ang oras ko sa trabaho at para sa pamilya at mga mahal ko sa buhay, at siyempre ang iba pang mga nais kong gawin sa aking karera,” tugon ni Donny.

“Pareho kami ng gusto ni Donny, kasi para sa akin wala ring katumbas ang magkaroon ng quality time para sa ating mga mahal sa buhay. Hindi naman kailangan ng magarbong pagkikita, pwede na kahit simpleng magsama para magkape, pag-share ng mga nakatutuwang memes, o isang maikling tawag bago matapos ang araw, ang pinakamahalaga sa lahat ay naaalala pa rin natin ang ating mga pamilya,” ani Belle.  

Sa isang banda ibinihagi naman ng dalawa ang kanilang mga nais na mangyari sa taong ito.

Sana ngayong 2023, mas marami pa akong matutunan para pag-ibayuhin ko pa lalo ang aking propesyon. Gusto ko rin na makasama pa ng madalas ang aking pamilya at mga kaibigan, at makapunta rin sa ibang mga lugar,”sabi ni Donny.

Sana magkaroon pa tayo ng mga positibong pananaw at marami pang kasiyahan ang dumating hindi lang para sa akin, kundi para na rin sa lahat ng tao,” sabi naman ni Belle.

Katulad ng DonBelle, maaari nang sariwain ang magagandang alaala ng buhay gamit ang Power All 99. Dahil sa kasama nitong 8GB na data, mas madali nang makapunta sa mga paboritong Internet sites at mga application, kagaya ng Unli Tiktok, at Unli Text sa lahat ng network sa loob ng 7 araw sa murang halaga na Php99 lamang.

Sa pamamagitan ng Power All 99, mas malaki ang Internet data para mas madali mabisita ang mga paboritong website at productivity applications. Dahil dito, mas madali nang magkaroon ng mas mahabang sandali para makasama ang inyong mga pamilya.

Dahil sa Power All 99, maaring nang i-share ang mga bagong pangyayari sa social media, mag-video call, at magpadala ng mga nakatutuwang memes sa iyong pamilya at mga kaibigan.

May kasama pang Unli Titok ang Power All 99 para mas madaling makapanood at mag-share ng mga trending na video mula sa mga tanyag na content creator, katulad ng mga nakatutuwang skits, ‘a day in a life’, sayawan at song covers, food review, budol finds at marami pang iba.

Para sa mga nangangailangan ng mas mataas na data allocation, maaari silang magrehistro sa Power All 149, na may data na 12GB at kasamang Unli Tiktok at Unli tawag sa lahat ng network.

Para magrehistro sa Power All 99 at Power All 149, magtungo sa Gigalife App or sa kanilang go-to mobile application at i-dial lang ang *143#, o di kaya’y pumunta sa pinakamalapit na suking tindahan o convenience store.  

Ang Power All ay mula Smart, ang kompanyang nagkamit ng ‘Best Mobile Network’ award sa bansa ayon sa Ookla, ang tanyag at nangungunang mobile and broadband intelligence sa buong mundo.

Nakuha ng Smart ang award dahil sa pangunguna nito sa dalawang pinakaimportanteng Ookla Speedtest Awardcategories, ang  ‘Fastest Mobile Network’ at ‘Best Mobile Coverage’, noong unang kalahating bahagi ng taong 2022.

Ayon sa SIM Registrarion Law, lahat ng Smart Prepaid subcribers ay  hinihimok na iparehistro ang kanilang mga SIM sa https://simreg.smart.com.ph/ portal.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Smart Prepaid Power All, magtungo sa smart.com.ph/Prepaid/PowerAll.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Rochelle Pangilinan Arthur Solinap Sexbomb

Rochelle naiyak sa tagumpay ng Sexbomb reunion concert

MATABILni John Fontanilla UNTIL now ay hindi pa rin makapaniwala si Rochelle Pangilinan sa success at sold …

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …

Lala Sotto MTRCB

MTRCB, tapos nang irebyu ang 8 pelikula sa MMFF ‘25

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio EKSAKTONG dalawang linggo bago mag-Pasko, natapos ng Movie and Television …

DOST Region 02 Upskills ST Pen Videography to Boost Scicomm

DOST Region 02 Upskills S&T Pen Videography to Boost Scicomm

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 strengthened its science communication initiatives as …