Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Gary V Baby

Gary V proud lolo

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

NAKATUTUWA ang reaction ni Mr Pure Energy Gary Valenciano dahil talaga namang proud na proud lolo ito. Halos mapatalon talaga sa kasiyahan si Gary dahil sa bagong apo niya.

Kaya naman kaagad niyang ibinahagi ang magandang balitang ito sa netizens. ipinakilala niya agad si Baby Luciano Mikael, ikalawang baby nina Paolo Valenciano at Samantha Godinez.

Ipinost nga agad ni Gary sa kanyang Instagram ang unang pagkikita nila ng kanyang apo. 

Caption niya, “Well hello there!”

“His name is really Luch which is short for Luciano. But I think I’ll call him Luc as in Luke [happy face emoji] Your sister Leia awaits at home.”

Ani Gary excited na rin siyang mabuhat ang apo at makuwentuhan.

I can’t wait to carry you and tell you many stories about the greatest force in the universe…the love of God!!! I know this force will be strong in you,” ani Pappie Gary na siyang gusto niyang ipatawag sa kanya.

Pappie is here for you just like I’m here for your sister Leia. I thank the Lord for you. I love you Luc [red heart emoji]”

“I am your grandfather!,” masayang sabi pa ng singer.

Maging ang asawang si Angeli Pangilinan-Valenciano ay masaya ring ipinost ang ilang pictures nila nina Gary at ni Baby Luc sa Viber group namin.

February 3 ipinanganak si Baby Luc na ibinahagi ni Paolo sa kanyang IG ang isang video ukol sa anak.

My son opening his eyes for the first time,” pagbabahagi ni Paolo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …