MAHIGIT 200 delegado mula sa buong kapuluan ang nagtipon sa Baguio City noong 28-29 Enero para sa ika-9 na Kongreso ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP).
Ang BMP ay kasalukuyang pinamumunuan nina Ka Leody de Guzman at Atty. Luke Espiritu.
Sa darating sa tatlong taon, layon ng samahan na labanan ang mga krisis sa kabuhayan, kalusugan, klima, at karapatan.
Naghalal ng bagong opisyal ang kongreso at pinagtibay ang resolusyon hinggil sa mga isyu ng privatization, klima, pang-ekonomiyang patakaran hinggil sa paggawa, at pagtataguyod ng makauring lipunan.
Isinusulong ng BMP ang pamumuno ng uring manggagawa, upang pangunahan ang laban para sa pambansang kaligtasan na kinakailangan ng maigitng at makauring pagmumulat, pag-oorganisa, pagkilos, at pagkakaisa.
Inilahad sa Kongreso ang inabot ng unyonismo gaya ng makabuluhang pagkakaisa ng mga manggagawa sa pribado at publikong sektor na nilahukan ng government owned and controlled corporations (GOCCs) at government financial institutions (GFIs).
Lumahok sa kongreso ang mga manggagawang pangkalusugan sa pangunguna ng St. Lukes Medical Center, Medical City at Manila Doctors Hospital employees association/union.
Aktibo sa kanilang partisipasyon ang PhilHealth-Workers for Hope, Integrity, Transparency and Empowerment (PhilHealth-WHITE) at PCSO Empoyees Association.