Monday , February 23 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jillian Ward

Dance video ni Jillian humahakot ng views

RATED R
ni Rommel Gonzales

PATULOY na humahakot ng napakaraming views ang Abot Kamay Na Pangarap videos sa TikTok. Bukod dito bumubuhos din ang suporta ng netizens sa lead star ng serye na si Jillian Ward.

Napapanood si Jillian sa trending na GMA inspirational-medical drama series bilang ang genius at pinakabatang doktor sa bansa na si Dra. Analyn Santos.

Bukod sa kilala si Jillian bilang isang aktres, itinuturing din siya ng netizens na isang social media star.

Nito lamang February 1, isang bagong dance video ang in-upload niya sa kanyang social media accounts.

Makikita si Jillian sa video habang sumasayaw suot ang kanyang tie-dye t-shirt sa loob ng isang dressing room.

Sa TikTok, mayroon nang mahigit 133,000 views at halos 30,000 likes ang naturang video ng aktres.

Sa Facebook naman ay humakot na ang video ng mahigit 220,000 views at 27, 000 likes.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Alvin Aragon

Alvin nakasasawa na walang humpay na pagputak

I-FLEXni Jun Nardo NAKAUUMAY na ang dakdak nitong Alvin Aragon. Parang isang inahin na bagong nangitlog …

Carlo Aquino Bela Padilla Jerry Lopez Sineneng

Carlo at Bela take one actors taguri ni direk Jerry Sineneng

I-FLEXni Jun Nardo WALONG taon na ang nakalipas nang magsama sa una nilang pelikula sina Carlo …

Everyone Knows Every Juan Netflix

Everybody Knows Juan kasama pa rin sa Top 10 ng Netflix

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NASA top ten pa rin ang Everyone Knows Every Juan sa Netflix. Ito nga …

Stars On The Floor Season 2

Stars On The Floor Season 2 pasabog ang pilot episode

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HATAW agad sa ratings ang pilot episode ng ikalawang season ng …

Bea Alonzo Cristy Fermin

Bea, Cristy nagkasundo na, kaso iniurong

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MASAYA ang marami na nauwi rin sa pagpapatawad and eventually pag-urong …