COOL JOE!
ni Joe Barrameda
NAKAKA-TOUCH naman si Sen. Lito Lapid. Matagal pa ang Valentine pero parang sabik siyang makasalamuha ang mga kasamahan natin sa panulat. Wala naman siyang ipo-promote kundi gusto lang niyang maka-chikahan kaming matagal na niyang kakilala sa mundo ng showbiz na pinagmulan niya. Always present din ang noon ay producer na si Mr Jessie Chua na tumulong kay Lito noong nagsisimula palang siyang artista. Ganyan tumanaw ng utang na loob si Sen. Lapid.
Si Sen. Lapid ay kasalukuyang senador ng ating bansa na laging bina-bash noon na walang alam pero hayan at naririyan pa rin sa Senado na laging inululuklok ng mga kababayan natin. Ganyan kamahal si Sen Lito ng ating mga kababayan na malaki ang naitutulong sa atin.
Sa ngayon ay kasama siya sa cast ng Batang Quiapo ni Coco Martin bilang kapalit ng Ang Probinsyano. Kahit abala siya sa senado ay hindi nakakalimutan ng senador ang pinagmulan niya, ang showbiz.