RATED R
ni Rommel Gonzales
UMAMIN na si Lexi Gonzales na may relasyon na sila ni Gil Cuerva.
Naganap ang pag-amin ni Lexi sa latest podcast episode ng Updated with Nelson Canlas na tinanong ni Nelson kung nandiyan pa rin ang masugid na manliligaw ng aktres.
“Well, hindi na siya manliligaw ngayon. He’s on a… mas mataas na ‘yung level niya.”
Inamin ni Lexi na boyfriend na nga niya si Gil.
Ano ang mga katangian na nagustuhan niya kay Gil?
“Persistent siya. Hindi siya ‘yung the type na… kasi tayong mga babae minsan, aminin na natin kahit minsan ang ibig sabihin natin yes, sasabihin natin no, ayoko, no. Pero hindi siya mag-stop sa ganoon. Talagang masugid siya, talagang hindi siya titigil hangga’t hindi niya nakukuha sa akin ‘yung gusto ko sabihin.
“Pero ngayon we’re working on… siyempre kapag kayo na talaga riyan na ‘yung dapat maayos ‘yung communication. Hindi na puwede ‘yung, no means yes or yes means no, ‘di ba?
“Genuine siya. He’s really smart and he takes the extra effort to guide me– I mean to teach me things kasi I’m younger.
“Parang madalas naman niyang sinasabi sa akin ‘yun. So he’s really there to help me. And not just that, but also someone I can really rely on.”
Samantala, napapanood sina Lexi at Gil sa Underage tuwing Lunes hanggang Biyernes, 4:25 p.m., sa GMA Afternoon Prime.