Sunday , November 17 2024
Coco Martin Julia Montes Susan Roces

‘Rite one’ ni Coco ititira sa bahay na ipinagagawa; Legacy ni Ms Susan ipagpapatuloy

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

MEDYO kinilig kami habang kausap si Coco Martin matapos ang paglulunsad sa kanya ng RiteMed bilang bagong brand ambassador nito dahil naikuwento nitong may ipinagagawa siyang bahay at doon niya ititira ang kanyang magiging maybahay.

Bagamat walang pangalang tinukoy kung sino ang ‘rite one’ na ititira niya sa bahay, hindi maiaalis na isiping si Julia Montes kaya iyon lalo’t hindi pa rin natatapos ang pag-uugnay sa kanilang dalawa.

Aminado si Coco na handa na siyang magkapamilya. “Anytime ready naman na akong magkapamilya,” anang actor/direktor.

Nang matanong kung saan ipinatatayo ni Coco ang bahay ng kanyang magiging pamilya, sinabi nitong, “Doom din sa binili kong lupa sa Quezon City. Doon ko rin ipinagpatayo ng bahay ang mga kapatid ko at ang lola ko na siyang kasama ko sa bahay ko.”

At kapag nagkapamilya na si Coco sinabi nitong hindi niya ipamimigay o ibebenta ang bahay na tinitirhan ng lola niya dahil aniya, sentimental siyang tao.

Sentimental ho kasi akong tao. Halimbaya may ibinigay sa akin, tulad  niyong big bike na galing kay Dawn Zulueta. Hanggang ngayon ang ganda pa rin alagang-alaga pa rin. Ayaw ko kasing ipagalaw sa iba kasi galing kay Dawn,” anang aktor.

Naikompara rito ni Coco ang bahay nilang tinitirhan ng Lola niya na aniya pinaghirapan  niyang itayo kaya gusto niyang i-retain lang iyon. “Na kapag may special occasions doon gagawin sa big house,” esplika pa ni Coco.

Samantala, opisyal na ngang ipinakilala ng RiteMed ang kanilang bagong brand ambassador sa pamamagitan ng pinakabagong TV commercial ng leading pharmaceutical brand sa bansa na nagtatampok kay Coco.

Malugod at buong pusong tinanggap ni Coco ang hamon na ipagpatuloy ang adbokasiya ng tinaguriang Queen of Philippine Movies na si Susan Roces na bigyang kapangyarihan ang masa sa pagpili ng dekalidad ngunit abot kayang mga gamot.

Sinimulan ni Coco ang nasabing TVC sa linyang, “Ang sabi ng lola ko, ‘wag mahihiyang magtanong…at hanapin ang tsek.” Ito ay bilang pagbibigay-pugay kay Ms Susan at pagpapaalala na rin sa kulturang Filipino na pakikinig sa mga payo ng mga nakatatandang mahal sa buhay.

Markado sa mga Filipino ang asawa ng yumaong si Fernando Poe Jr. (FPJ), ang Hari ng Pelikulang Pilipino, sa kanyang mga sikat na linya sa mga patalastas sa TV at radyo na nagtataguyod ng mga abot-kayang gamot tulad ng “Bawal ang Mahal” at “Huwag Mahihiyang Magtanong.” 

Pumanaw si Ms. Roces noong Mayo 2022. Mula noon, nagsagawa ng mahaba at masusing proseso ng pagpili ang RiteMed para mahanap ang “The Rite One” na papalit sa yumaong aktres. 

Si Coco, na naging bayani ng masa dahil sa kanyang papel sa FPJ’s Ang Probinsyano, na marahil ay isa sa pinakamatagal na soap opera sa kasaysayan ng Philippine TV, ang lumabas bilang hands-down choice. 

Iminungkahi pa ng aktor-direktor ang paggamit ng mga lumang taglines ni Ms. Susan para ipagpatuloy ang paghihikayat sa mga tao na gamitin ang kanilang karapatang magtanong. “Una, para hindi tayo magkamali. Pangalawa ang mga Filipino po ay likas na mahiyain; tinuturuan tayo na may alternatibo. ‘Pag naiisip natin na ‘mahal yan’, itinuturo sa atin ng RiteMed na may alternatibo na mas mura.

Maraming, maraming salamat po sa pagtitiwala. Napakalaking obligasyon po itong ipinasa po sa akin.” ani Coco sa kanyang speech noong contract signing.

“Naikuwento ko nga po na kapag dumadaan ako sa Quiapo at ‘pag nakikita ko ‘yung overpass doon, ang laki-laki ng billboard ni Tita Susan. Pumasok sa isip ko, ‘sino kaya ngayon ang papalit kay Tita Susan?’  kasi iba po talaga. Alam na alam ko po kung anong klaseng tao si Tita Susan. Hindi po siya basta-basta nagtitiwala sa mga produkto na hindi niya pa nasusubukan dahil ayaw niyang masira ang kanyang pangalan,” dagdag niya. 

Binigyang-diin ng aktor-direktor ang naiwan na legacy ni Ms. Susan at kung paano siya naging boses ng bawat Filipino lalo na pagdating sa abot-kayang pangangalaga sa kalusugan. 

Sobrang laki po ng naging impact. Alam naman po natin na mahirap ang buhay, lagi tayo nag-iisip kung paano makakamenos at paano pa rin natin maitatawid ‘yung pangangailangan lalo na sa kalusugan. Kasi si Tita Susan, silang mag-asawa ni FPJ, parang sila ‘yung simbolo ng bawat Filipino eh, na kapag may sinabi sila o may ginawa, lahat nakikinig. Napakalaking impluwensya nila sa mga Filipino, kaya ingat na ingat si Tita Susan talaga sa mga paggawa niya ng mga proyekto at kung ano man ang mga ineendoso niya, lalo na po itong RiteMed.” 

Sinabi naman ni Atty. Jose Maria A. Ochave, presidente ng RiteMed, “Labing isang taon na ang nakararaan nang makuha namin bilang brand ambassador si Ms. Susan and it was one of the best decisions that we’ve made. Hindi lang siya naging mukha at boses kung hindi co-creator pa ng aming brand. ‘Yung lighter tone ng ‘Huwag Mahihiyang Magtanong’ ay kanyang idea. At ito na nga ang naging adbokasiya ng RiteMed simula noon,” pagbabalik tanaw niya.

Ang RiteMed ay nailunsad noon matapos ang hiling ng ating gobyerno. Akala kasi ng mga tao ay sub-standard ang mga generics. Ginusto naming pataasin ang antas ng mga generics dahil ang mga tao ay gustong ma-associate sa brands dahil ang isang brand ay kumakatawan sa tiwala. Parang pangalan iyan. Mahirap magtiwala sa hindi mo kilala, sabi nga ni Ms Susan,” dagdag pa ni Atty. Ochave.

Dahil dito ay nagsikap ang RiteMed na maging abot-kaya ng mga tao ang dekalidad na gamot. 

We want to assure everyone that [Ritemed] is a brand that you can trust. It’s a company branding and not just a product brand,” ani Ochave. 

Sinabi naman ni RiteMed General Manager Vince Guerrero na taglay ni Coco ang mga katangiang hinahanap nila sa isang brand ambassador. 

Hindi lang nauunawaan ni Coco kung hindi siya rin ang sumasalamin sa mga gusto at pangarap ng masang Filipino. Kaya naman malaki ang respeto at paniniwala ng tao sa kanya sa pagsusulong ng kung ano ang tama,” ani Guerrero. “Bilang bagong mukha ng brand, naniniwala kami na magiging magandang halimbawa siya ng patuloy na pagsisikap ng RiteMed na magbigay ng abot-kayang gamot sa mga tao.” 

Batid ni Coco na ang pagiging isang brand ambassador ng RiteMed ay isang malaking commitment para sa kanya. “Alam kong ang laki ng responsibilidad na maging endorser ng Ritemed. Ito po ay legacy ni Tita Susan at iyon po ang panghahawakan ko.” 

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …

Dominic Pangilinan Paul Singh Cudail Ako Si Juan

Direk Paul Singh Cudail, balik pelikula via ‘Ako Si Juan’

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGSIMULANG maging direktor ng pelikula Paul Singh Cudail noong 2011. …

BingoPlus Miss Universe 1

BingoPlus Stands as the Official Livestreaming Partner in the Philippines for the 73rd Miss Universe

BingoPlus, your comprehensive entertainment platform in the country, is proudly supporting the upcoming 73rd Miss …

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …