RATED R
ni Rommel Gonzales
MULING pinatunayan ni Royce Cabrera na isa siyang mahusay na artista.
Pinarangalan si Royce ng Best Performance in a Lead Role (Male or Female-Single Performance) mula sa 7th GEMS Awards.
Ang GEMS (Guild of Educators Mentors and Students) Hiyas ng Sining ay isang grupo na kumikilala sa katangi-tanging alagad ng sining sa larangan ng panulat, digital, tanghalan, radio, telebisyon, at pelikula.
Ang parangal na natanggap ni Royce ay para sa natatanging pagganap niya sa real life drama anthology na Magpakailanman na gumanap siya bilang drag queen na si Edwin Luis sa episode na pinamagatang Born to be a Queen: The Edwin Luis Story.
Bukod kay Royce, pinarangalan din bilang TV Station of the Year ang GMA 7.
Samantala, ngayong Sabado ay mapapanood sa #MPK ang part 2 ng Reyna ng Tahanan.
Kung nabitin kayo, mga ka-MELlenials, abangan ngayong Sabado, 8:00 p.m. ang part 2 ng ating kuwento.
Ano kaya ang mangyayari sa kanyang pamilya? Makaka-ahon ba sila? Tuluyan na bang magbabagong buhay ang kanyang asawa?
Abangan ang Ronda ng Kalsada, ang part 2 ng Reyna ng Tahanan tampok sina Snooky Serna, Lovely Rivero, Liezel Lopez, Cai Cortez, Candy Pangilinan, at Rochelle Pangilinan, sa direksiyon ni Rechie del Carmen.
Sa panulat ni Vienuel Ello at research ni Angel Launo, kasama rin sa cast sina Jaime Sabarte, Vince Crisostomo, Patricia Coma, at Paolo Paraiso.