Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Carlo Aquino Charlie Dizon Trina Candaza Baby

Trina kay Carlo — ‘wag muna ipakilala ang anak sa bagong partner

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

NILINAW ni Trina Candaza ang naunang ipinahayag ni Carlo Aquino ukol sa co-parenting set-up ng daddy ni Mithi.

Sa interbyu ni Ogie Diaz kay Trina sa kanyang vlog pinasinungalingan ng huli ang mga sinabi ni Carlo.

Ani Trina,  hindi totoong hindi niya ipinahihiram o ipinakikita ang kanilang anak na si Mithi kay Carlo. Hindi rin totoong si Carlo lamang ang sumusuporta sa kanilang anak at sa kanya.

“I also pay half of our expenses. Para sa akin, dalawa kaming nagpo-provide,” pagkaklaro ni Trina.

“Pwede naman niya sabihin na nagsusustento siya kay Mithi kasi totoo ‘yun. Pero para sabihin niya na dalawa kami na binubuhay niya, nakaka-offend sa part ko ‘yun kasi nagtratrabaho rin ako. Naghahanap ako ng ways ng income para ma-provide ‘yung kulang sa ibinibigay na sustento,” giit pa ni Trina.

Naibulalas din ni Trina ang double standard na pagtingin ng netizens sa mga tatay na nagbibigay ng sustento.

Ito napansin ko lang in general – kapag ang tatay nagbigay ng sustento for a month, mabuting tatay na sila. Pero kapag sa mga single mom, nagtratrabaho kami, inaalagaan namin ‘yung anak namin, kapag may sakit ‘yung bata, kami [ang nag-aalaga] pero once na may mali kaming magawa, masamang ina na kami,” aniya.

Sinabi pa ni Trina na pwede namang makita o madalaw ni Carlo si Mithi may isa lamang siyang kondisyon.

Respect na lang muna sa akin na huwag muna ipakilala si Mithi sa mga panibagong partner. Kasi ayaw ko rin i-instill sa utak ng anak ko, sa values niya, na okay lang magpapalit-palit ng partner,” anito.

Kaya para sa akin, if ever man dumating ‘yung panahon na may papakasalan na siya, siguro ‘yun kailangan na namin magkita-kita. Hahayaan ko na sila mag-bonding kasi ‘yun na ‘yung tatayong pangalawang ina ni Mithi,” paliwanag pa ni nanay ni Mithi.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …