I-FLEX
ni Jun Nardo
ANG pangit naman ng ibinabatong balita ngayon tungkol kay Toni Gonzaga, huh.
Kumakalat ang tsismis na namimigay daw ng tickets si Toni para sa kanyang coming concert, huh! Juice ko naman, gagawin ba naman ni Toni ‘yon mapuno lang ang venue?
Pero hindi lang ang concert ni Toni ang may ganitong tsismis. Pati nga raw tiket sa sinehan na showing ang festival movie niyang My Teacher ay binili umano niya upang ipamigay para panoorin ng tao?
Hindi naman siguro totoo ‘yun! Edukada namang tao si Toni at hindi desperado na para lang mapuno ang concert o panoorin ng tao ang movie ay bibilhin ang tikets sa sinehan para maging top grosser, huh.
Ayaw talagang tigilan ng kanyang haters at bashers si Toni eh nanalo na si PBBM, huh!