MASAYANG ibinalita ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at MMFF Chairman lawyer Romando Artes na naabot nila ang P501-M target gross sales sa pagpapalabas ng walong pelikula para sa Metro Manila Film Festival.
Ani Artes, “We are delighted to announce that we were able to reach our target gross sales amounting to P501-million considering that we are still recovering from the impacts of the Covid 19-pandemic.
“Indeed, the 2022 MMFF is a certified box-office hit,” masayang sabi pa ni Artes.
Ani Artes, lahat ng walong pelikulang kasama sa MMFF ay naipalabas sa mga sinehan nationwide simula December 25, 2022 hanggang Jan. 7, 2023.
Katunayan extended pa ang film festival na may temang Balik Saya hanggang Jan. 13, 2023 kaya iyong mga season kaya iyong may mga hawak pang MMFF season pass maaari pang magamit.
Sinabi naman ni Artes ang apat na pelikulang top grosser sa nakaraang pagpapalabas nito base na rin sa gross sales receipts. ito ay ang Deleter, Family Matters, Labyu with an Accent, at Partners in Crime.
Ang ibang pelikulang kasama rin sa MMFF ay ang Mamasapano: Now It Can Be Told; My Father, Myself; My Teacher; at Nananahimik ang Gabi.
Samantala, inihayag din ni Artes na ilulunsad ng MMDA ang Metro Manila Summer Film Festival sa April sa pakikipagtulungan ng Cinema Exhibitors Association of the Philippines (CEAP).
Magaganap ang Summer FilmFest ng 11 araw na magsisimula sa April 8 (Black Saturday) at magtatapos sa April 18 sa mga sinehan nationwide. Ang Parade of Stars naman para sa MMFF Summer Edition ay gagawin sa April 1 at ang Awards Night ay sa April 11.
“We will release the deadline of submission of entries as early as we can so that interested producers and filmmakers may be guided accordingly,” saad pa ni Artes. (MValdez)