Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Barbie Imperial

Barbie handa nang ma-inlove

I’M ready to fall in love, again.” Ito ang nasabi ni Barbie Imperial nang makapanayam namin siya sa media conference ng collaboration movie ng Star Magic at MavX Productions, Inc., ang I Love Lizzy na pagsasamahan nila ni Carlo Aquino at mapapanood na simula January 18.

Natanong kasi si Barbie kung handa na muli itong magmahal at isinagot ng dalaga na ready na siya. 

Aniya, “I’m ready. Matagal na ‘yung last and nag-heal naman na, so yeas ready na.

“But ang main focus siyempre parang medyo hindi naman nawala pero medyo nawalan ng inspirasyon before parang medyo tinamad and I think that’s normal naman.

“Tayo naman ‘di ba napapagod, nagpapahinga. But now ‘yung focus ko talaga parang career talaga,” sabi pa ni Barbie.

Sinabi pa ng aktres na grateful pa rin siya bagamat ilang beses na ring hindi naging maganda ang mga naging relasyon niya dahil marami siyang natutunan sa mga iyon.

“Yes, siyempre pero careful although before I tried it to be careful. Hindi ko naman sinasabi na parang wrong choice ‘yung mga naging ex ko.

“Siyempre nag-fail lang ‘yung relationship and minsan ganoon tala­ga. And ako naman grateful pa rin ako and thankful ako lalo sa mga lesson na nakukuha ko from them kasi if not because of them ‘di ba wala akong matututunan,” aniya pa.

Naitanong din kay Barbie ang nali-link ngayon sa kanya na isang politician. “Pwede naman. Ha-hahahaha! Hindi kasi po siguro puro halos kaibigan ko, mga business partners ko mga politician kaya po siguro nali-link.”

Ang tinutukoy na nali-link kay Barbie ay si Mico Clavano, isang abogado sa Office of the Solicitor General na naging nominee rin ng partylist na Bisaya Gyud (BG) noong May, 2022 elections.

At nasabi naman ni Barbie sa kanyang vlog noon na hindi nga niya iyon BF. “Hindi siya boyfriend pero lumabas kami, couple of times and he’s a very good man, came from a very good family like sobrang bait ng family niya. But hindi ko siya boyfriend.”

Ukol naman sa dati niyang BF na si Diego Loyzaga sinabi nitong wala silang communication sa ngayon pero happy sila sa kanya-kanya nilang buhay. 

At kung handa naman siyang makatrabaho si Diego, okey siya. Mayroon nga raw silang dapat gagawin ng aktor hindi lang natuloy. 

Samantala, ang I Love Lizzy na mapapanood na sa January 18 ay tungkol sa isang hometown party girl na masusubok ang tadhana at tiwala nang magkrus ang landas nila ng isang seminarista. Kinunan iyon sa hometown ni Barbie, ang Albay.  (MVN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …