Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Glydel Mercado Aneeza Gutierrez Maxine Gutierrez Lotlot de Leon

Glydel pinaratangang nang-agaw ng role

RATED R
ni Rommel Gonzales

SPEAKING of Gydel Mercado, napatili ito ng “Inaanak ko ‘yan,” nang may mang-intriga na inagaw niya ang papel na Ellie sa That Boy In The Dark mula kay Maxine Gutierrez na anak ni Lotlot de Leon.

Sa pelikula na ipalalabas ngayong January 8 ang pelikula na kasali sa cast si Aneeza Gutierrez bilang si Ellie. Si Aneeza ay anak nina Glydel at Tonton Gutierrez.

May kumalat na tsika na si Maxine ang first choice for the role, pero dahil nagustuhan ito ni Aneeza ay gumawa umano ng paraan si Glydel na mapunta ang role sa kanyang anak at hindi sa anak ni Lotlot.

Technically ay wala itong katotohanan dahil oo nga at una itong inialok kay Maxine, pero tinanggihan ito ng anak ni Lotlot dahil sa conflict sa schedule.

Kaya hindi totoong inagaw ni Glydel ang role para sa anak niya dahil hindi naman talaga napunta kay Maxine ang naturang role.

Magpinsan sina Aneeza at Maxine dahil magkapatid ang mga ama nilang sina Ramon Christopher Gutierrez at Tonton, at inaanak ni Glydel si Maxine sa binyag.

Sa direksiyon ni Adolf Alix, Jr., bukod kay Aneeza ay nasa That Boy In The Dark sina Lotlot, Glydel, Ramon Christopher, Nanding Josef at introducing si Kiko Ipapo at ang lead star na si Joaquin Domagoso.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …