MAS maraming Pinoy ang makakapanood ng laban ni Celeste Cortesi sa Miss Universe 2022 dahil ipalalabas sa iba’t ibang ABS-CBN platforms ang ika-71 na edisyon ng pinaka-inaabangang pageant sa buong mundo.
Mapapanood nang live ang kompetisyon sa New Orleans, Louisiana sa Enero 15 (Linggo), 9:00 a.m. sa A2Z Channel 11 sa free TV, sa Kapamilya Channel, at Metro Channel sa cable TV, o online sa iWantTFC.
Tiyak na mas marami ang makasusuporta sa pambato ng bansa na si Celeste. Umangat siyang kampeon ng Miss Universe Philippines 2022 noong Abril matapos masungkit ng samo’tssaring parangal kabilang ang Miss Photogenic at Best in Swimsuit.
Sa kanya kaya mapapasa ang korona na hawak ngayon ni Miss Universe 2021 Harnaaz Sandhu ng India? May 85 beauty queens mula sa iba’t ibang bansa ang makakaharap ni Celeste para sa titulo ng Miss Universe 2022.
Subaybayan ang 71st Miss Universe competition nang live mula sa USA sa Enero 15, 9:00 a.m. sa A2Z, Kapamilya Channel, Metro Channel, at iWantTFC.
Maaari ring mapanood ang same-day replay ng 10:30 p.m. sa A2Z, Kapamilya Channel, Metro Channel, TV5, at iWantTFC. Magkakaroon din ng mga replay sa Metro Channel sa ibang araw sa loob ng linggo.