LIMANG tanggapan sa Malacañang ang inilagay sa ilalim ng Office of the President alinsunod sa nilagdaang Executive Order No. 11 ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.
Batay sa EO No. 11, hindi na hiwalay na kagawaran ang Office of the Press Secretary na tinawag na ngayong Presidential Communications Office (PCO), ito’y nasa ilalim na lamang ng OP kasama ang iba pang tanggapan gaya ng Executive Office (kasama ang Office of the Executive Secretary, tanggapan ng executive secretary’s deputies, at iba pang attached offices), Office of the Chief Presidential Legal Counsel, Private Office (binubuo ng Protocol Office at ng Social Secretary’s Office), at Office of the Special Assistant to the President (na may kontrol at supervision sa presidential assistants at ng Presidential Legislative Liaison Office).
Habang ang Presidential Management Staff (PMS), na dati’y tandem ng executive secretary at ng special assistant to the President, ay nasa ilalim na ngayon ng Office of the Executive Secretary.
Nasa pangangasiwa ng Cabinet Cluster System at ang Correspondence Office.
Ang Executive Office ay pinamumunuan ni Executive Secretary Lucas Bersamin, ang pinuno ng Office of the Chief Presidential Legal Counsel ay si Juan Ponce Enrile.
Si Bianca Zobel, ang social secretary ni FM Jr. Habang ang chief of presidential protocol ay si Adelio Angelito Cruz.
Si Anton Lagdameo, ang special assistant ni FM Jr., habang ang officer-in-charge ng PCO na dati’y OPS ay si Cheloy Velicaria-Garafil.
Nanatili sa Office of the Executive Secretary ang administrative supervision sa mga tanggapan at ahensiyang nasa ilalim ng OP. (ROSE NOVENARIO)