Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Lotlot de Leon Ramon Christopher Fadi El-Soury

Lotlot, Monching, mga anak, at Fadi magkakasama ng Christmas eve

RATED R
ni Rommel Gonzales

GANYAN din sina Lotlot de Leon at Ramon Christopher (Monching) na magkakasama naman noong Bisperas ng Pasko sa bahay ng dating mag-asawa sa Fairview.

Kasama ni Lotlot na pumunta ang mister niyang Lebanese businessman na si Fadi El-Soury sa Fairview for Christmas Eve dahil kompleto roon ang apat na anak nina Lotlot at Monching na sina Janine (na iniwan muna ang condo unit niya para makasama ang buong pamilya), Jessica, Diego, at Maxine Gutierrez.

Nakaka-good vibes nga ang litrato nila na magkakasama, sina Lotlot at Fadi, si Monching at sina Janine, Jaessica, Diego, at Maxine.

Kaya naman tuwing natatanong si Lotlot kung okay lang ba na nagkakasama sila ni Monching sa isang project, ang sagot nito ay okay lang, walang problema.

Parehong nasa cast ng That Boy In The Dark sina Lotlot at Monching na gaganap na anak ng aktot ang bidang si Joaquin Domagoso at yaya naman ang nanay ni Janine.

Ipalalabas na sa mga sinehan ang That Boy In The Dark sa January 8, sa direksiyon ni Adolf Alix, Jr..

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …