Friday , November 15 2024
Philhealth bagman money

FM Jr., pinigil PhilHealth contrib hike

INUTUSAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na suspendihin ang pagpapatupad ng dagdag sa monthly contribution ng mga miyembro nito ngayong taon.

Nakasaad ito sa memorandum na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin para sa Philhealth at sa Department of Health (DOH).

“In light of the prevailing socioeconomic challenges brought about by the COVID-19 pandemic, and to provide financial relief to our countrymen amidst these difficult times, please be informed that the President has directed PhilHealth to suspend the abovementioned increase in premium rate and income ceiling for CY 2023, subject to applicable laws, rules, and regulations,” saad sa memorandum.

Alinsunod sa Universal Health Care Law, regular na tataas ang premium rates o kontribusyon ng mga miyembro ng 0.5 porsiyento kada taon simula 2021 hanggang maabot ang 5-percent limit sa 2025.

Bago inisyu ni Bersamin ang memorandum, nakatakdang itaas ng PhilHealth ang premium rate mula sa 4% sa 4.5% ngayong  2023.

Habang ang income ceiling ay madaragdagan ng P10,000, gaya halimbawa ng P80,000 na magiging P90,000. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …

Dead Rape

Paglipas ng tatlong lingo
DALAGANG NAWALA SA KASAGSAGAN NG BAGYONG KRISTINE NATAGPUANG BANGKAY

NATAGPUAN ang katawan ng isang 18-anyos estudyante na napabalitang nawala sa kasagsagan ng pananalasa ng …

Sa Gintong Kabataan Awards NATATANGING KABATAANG BULAKENYO PARARANGALAN

Sa Gintong Kabataan Awards
NATATANGING KABATAANG BULAKENYO PARARANGALAN

NAKATAKDANG maganap ang pinakahihintay na Araw ng Parangal ng taunang Gintong Kabataan Awards (GKA) ng …

Motorcycle Hand

3 motorsiklo bigong masikwat, armadong kawatan timbog

ARESTADO ang isang lalaking pinaniniwalaang responsable sa sunod-sunod na pagnanakaw ng motorsiklo matapos muling magtangkang …