INAMIN ni Nadine Lustre kung ano ang magiging reaction niya nang malamang kasali sa Metro Manila Film Festival 2022 ang kanilang pelikulang Deleter. Kaya naman bonus din ang pgkakatanghal sa kanya bilang Best Actress sa nasabi ring pelikula na handog ng Viva Films.
Ayon kay Nadine hindi niya in-expect na siya ang tatanghaling Best Actress sa katatapos na Metro Manila Film Festival
2022 Gabi ng Parangal noong Martes ng gabi na isinagawa sa New Frontier.
Bukod sa Best Actress itinanghal ding Best Picture ang horror-suspense movie, Best Director para kay Mikhail Red, Best Cinematography, at Best Visual Effects.
Ani Nadine sa acceptance speech nang tawagin ang kanyang pangalan bilang Best Actress, bonus na lang ang napanalunan niyang award dahil ang pinakamahalaga sa lahat ay nagustuhan ng mga manonood ang kanilang entry.
Ani Nadine, “I think second to the last shoot namin, that’s when they told us na ilalagay siya sa MMFF. So we didn’t know how to feel to be honest kasi MMFF is such a big thing.
“But we’re really, really happy to be part of the MMFF. To me kasi it doesn’t really matter if you’re number one, two, three, four, five, whatever.
“At least everyone’s enjoying the film. That’s the only thing that matters.”
Actually sobra ang saya ni Nadine nang malamang gagawa siya ng horror film. “I’m really very happy kasi nga this is my first time doing a horror film. So at least alam ko na kaya ko pala mag-horror film.
“And after watching din noonh premiere night, I was really, really happy with the work that I did. I’m just happy that everyone’s enjoying the film,” paliwanag pa ni Nadine.
Sinabi pa ni Nadine na kinakarir niya ang lahat ng oportunidad na dumarating sa kanya. “Parang lahat naman kina-career ko talaga. Ha-hahaha! I think that goes with everything that I do. I really give it my 110% in everything.
“So ‘yun naman talaga ako. I really did give my all so I’m proud of my work here. Everyone did good so I’m not really expecting anything. Bahala na. I’m just happy that ‘Deleter’ is finally out,” hirit pa niya.
“Maraming salamat for loving the movie and my character as well. I don’t think Lyra is relatable so hindi ko alam kung naka-relate kayo but happy ako na napasigaw namin kayo this Christmas,” nangingiting sambit pa ni Nadine.