Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jasmine So

Jasmine So, exhibitionist o may malasakit lang sa kababaihan?

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

BUKOD sa pagiging sexy actress sa mga pelikula ng Vivamax, si Jasmine So ay napaka-vocal din ng pananaw pagdating sa mga kababaihan.

Kamakailan ay nag-post siya sa kanyang socmed account ng isang photo shoot na makikitang hubo’t hubad  at tanging crystals lang ang tumatakip sa kanyang maseselang bahagi ng pagkababae.

Nabanggit ng aktres ang mensahe niya sa naturang larawan.

Paliwanag ni Jasmine, “Ang mensahe ko, sana makita ng mga kababaihan kung ano ang mali, bakit hindi nagtatagal ang relasyon nila at bakit hirap silang makahanap ng lalaki na mapapangasawa nila. Kailangan nilang matutunan na maging patas sa kalalakihan, hindi puro pansarili lang.”

Pagpapatuloy pa niya, “Hubad ako sa larawan na iyan, ipinakikita ko na ang kababaihan ngayon na gustong maging reyna ay makapangyarihan, yumaman, at the same time sa pagiging sobrang liberated at freedom na gusto nila, na ‘di nila na-realize wala na silang privacy tulad ng isang babaeng hubad na naipakita na niya ang lahat.

Ako lang ang hubad (sa grupo) represents ng isang babae na mataas ang ambisyon sa maling paraan. Paggamit sa kalalakihan para mabilis na umangat sa buhay. Ako ‘yung babae na nasa punto na halos wala na akong kahihiyan. Ang ibang mga babae (sa larawan) ay mga naimpluwensiyahan ko at susunod sa yapak ko.

“Independent siya pero lahat iyon bigay lang ng sugar daddy niya… Kaya may apple sa photo, kasi si Eve hindi ba na-deceived niya si Adan? So, shortcut way para umangat sa buhay, tapos gusto niya na mas nakahihigit siya sa lalaki sa pamamagitan ng paggamit ng katawan at ganda, minamanipula niya ang mga lalaki para siya ang reyna.”

Hindi kaya isipin ng iba na exhibitionist siya dahil dito? Advocacy niya ba  na ‘gisingin’ ang mga makabagong Eva, sa makabagong mundo?

Tugon ni Jasmine, “Well, exhibitionist naman majority ng mga babae lately, dahil sa salitang ‘I can wear whatever I want.’ Iyong pagiging comfortable raw sa kung ano ang gusto nilang suotin. Sa larawang iyan, makikita nila kung ano sila sa mata ng ibang tao.

“Yes, gusto kong magising sila sa katotohanan na ang mga nakikita nila sa social media ay nakakasama ang iba at ang ibang tao kasi napapaniwala ng mga nakikita nila sa social media.”

Bakit naisipan niyang crystals ang itakip sa maseselang parte ng kanyang katawan? “Mga crystals po na nagre-represent as diamond. Kasi ang mga kababaihan nahuhumaling sa diamond,” pakli pa niya.

Nalaman din namin na nagco-collect siya ng crystals. “Opo collector po ako. Balak kong mag-open ng shop soon kasi may paparating ako na 100 kg na iba’t ibang crystals from China. Nagbenta po ako minsan online, pero mas maganda na may physical store para makita ng actual ang mga very rare na collections,” esplika pa ni Jasmine.

Si Jasmine ay mapapanood sa Vivamax sa mga pelikulang Boso Dos direkted by Jhon RedErotica Cine-Parausan ni direk Law Fajardo; at Suki, directed by Mariano Langitan Jr..

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Rochelle Pangilinan Arthur Solinap Sexbomb

Rochelle naiyak sa tagumpay ng Sexbomb reunion concert

MATABILni John Fontanilla UNTIL now ay hindi pa rin makapaniwala si Rochelle Pangilinan sa success at sold …

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …

Lala Sotto MTRCB

MTRCB, tapos nang irebyu ang 8 pelikula sa MMFF ‘25

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio EKSAKTONG dalawang linggo bago mag-Pasko, natapos ng Movie and Television …

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …