Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ryan Agoncillo Judy Ann Santos Family

Tradisyong pamisa nina Juday at Ryan muling nasaksihan

RATED R
ni Rommel Gonzales

SAYANG at hindi kami nakapunta sa pamisa para sa araw ng Pasko ng pamilyang Santos at Agoncillo nitong mismong December 25.

Maraming taon na rin na tuwing Pasko ay nag-iimbita ang mag-asawang Judy Ann at Ryan Agoncillo sa kanilang tahanan para sa isang misa officiated by Father Tito Caluag.

Nagsisilbing Christmas get-together na rin iyon ng mga kapamilya at kaibigan ng mag-asawa.

Pero for the past two years ay nahinto iyon, tulad din ng paghinto ng ikot ng mundo, so to speak, dahil sa mapamuksang COVID-19 na pinag-ugatan ng pandemya at lockdown sa buong mundo.

Kaya for two years, via Zoom ang naging misa sa bahay nina Juday at Ryan.

Pero sa unang pagkakataon makalipas ang dalawang taon,  muling binuksan ng mag-asawa ang kanilang pintuan para sa yearly mass tradition namin. Ang kaibahan lang, this time, may swab test para sa lahat, para siyempre sa safety ng lahat.

Hindi kami nakadalo dahil may munting selebrasyon din kami ng aming pamilya sa bahay namin sa Laguna.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Andrea Brillantes Rekonek

Andrea naospital, ‘di nakadalo sa preem; Rekonek positibo mensahe sa pamilyang Pinoy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAGANDA ang iniwang mensahe ng pelikulang Rekonek: anumang pinagdaraanan ng pamilya, mag-away-away …

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …