RATED R
ni Rommel Gonzales
TUNGKOL pa rin sa tradisyon, nakaugalian na rin nina Aiko Melendez at Jay Khonghun na tuwing Christmas holiday ay sa ibang bansa sila nagbabakasyon.
This year, bago mag-Pasko ay lumipad papuntang Japan ang magkasintahan kasama ang pamilya ni Congressman Jay para roon mag-Pasko.
Deserved naman ng magkasintahan ang kanilang bakasyon dahil sagaran ang naging trabaho nila, si Jay bilang Congressman sa 1st District ng Zambales at si Aiko bilang konsehala ng 5th District ng Quezon City na sinabayan pa ng taping niya for Mano Po Legacy: The Flower Sisters ng GMA.