ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
ANG Viva artist na si Ejay Fontanilla ay patuloy sa paghataw ang showbiz career. May bago kasi siyang project na siya ang bida at Executive Producer, na plano nilang isali sa mga international filmfest.
Pinamagatang My Love, My Influencer, tampok din dito sina Andrew Gan, Carlo Mendoza, at iba pa, mula sa pamamahala ni
Aminado si Ejay na ito ang pinaka-challenging role niya.
Wika ng aktor, “So far, eto na ang pinaka-challenging role ko, Kasi ako ang Executive Producer, ako ang nagbayad lahat ng TF. Hahaha! And lahat ng scene sa akin, ‘di ako makapahinga ng like one hour. Idlip lang like five minutes… Tapos ang pinakamahirap is make up ng two hours. So far, kaya ko naman ang gay role kasi nalalaro ko ang boses ko, since maliit ang boses ko.
“Sa movie, ako si Ariela, isang probinsyana na nakipagsapalaran sa Maynila dahil ulila na itong lubos, kaya mas piniling makipagsapalaran kasama ang kanyang tiyahin.”
Esplika pa ni Ejay, “It’s all about Ariela she is a member of third gender or mas alam natin sa salitang LGBTQ, Ipinapakita rito kung ano yung mundo o buhay nila ni Tita Rhoda, her Aunt, kung paano sila namumuhay at nakikipagsapalaran sa Maynila dahil sila ay mga probinsyana.
“At ipinapakita rito yung pagiging fan ni Ariela sa isang social media influencer na si Jiro Estefan (Andrew), kung paano ang magiging relasyon ng isang fan sa kanyang iniidolo, kung paano ma-overcome ng isang straight guy ang kanyang past issue sa mga gays, Plus ng isang malapit na kaibigan ni Ariela na si Fernan (Carlo) na opposite ng role ni Jiro (Andrew), na alam naman natin na may mga lalaki pa rin talaga na hindi malapit sa LGBTQ members.”
Bukod sa pelikulang My Love, My Influencer, Isa pa sa ipinagpapasalamat ni Ejay ang pag-aalaga sa kanya ni Ms. Ced Evangelista na CEO ng Perfume Dessert London na si Ejay ang tumatayong PR Manager.