HINDI raw talaga planong isali ang pelikulang pinagbibidahan ni Nadine Lustre, ang Deleter ng Viva Films kaya naman ganoon na lamang ang kasiyahan ng aktres nang makapasok sa Metro Manila Film Festival 2022.
Ayon sa mahusay at awardwinning actress, “I’m really looking forward to see ‘Deleter.’ Nakatutuwa rin na this time around, I will see myself again on the big screen. Sobrang excited akong makita ang pelikula namin.”
Dagdag pa nito, “At first, wala siya sa plan, but we’re really, really excited and looking forward to the MMFF.
“Filipino tradition na ang mga tao pupunta ng sinehan, manonood, mag-attend ng parade.
“Ang feeling ko this time around, more people will flock to the theaters because they are all excited. Looking forward sila to attend events.
“We’re very proud of this project kasi ‘yung ginugol po namin dito ay blood, sweat, and tears talaga, so we’re very very confident naman.”
Ito ang pangalawa ni Nadine sa Metro Manila Film Festival. Ang una ay noong 2015 sa Vice Ganda-starrer na Beauty and the Bestie, pangalawa nga itong Deleter ng Viva Filmsat idinirehe ni Mikhail Red.