Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Maharlika Pilipinas Chess
ANG Mindmovers Team A na binubuo nina International Master Eric Labog Jr., Jay Troy Teves, at Jan Clifford Labog. NASA larawan ang Ligon Sports Betting - Army na kinabibilangan nina National Master Christian Gian Karlo Arca, Christian Arroyo, at Kevin Mirano.

Mindmovers Team A naghari sa Pacquiao chess tilt

MANILA — Pinagharian ng Mindmovers Team A ang katatapos na Maharlika Pilipinas Chess League’s  Manny Pacquiao International Open Chess Festival Side Event (Team 3 on 3).

Nasa gabay nina Mr. Van Lanuza, Mr. Rafael Ansay, at Engr. Mark Oliver Ingcad, ang Mindmovers Team A na binubuo nina International Master Eric Labog, Jr., Jay Troy Teves, at Jan Clifford Labog ay nakapagtala ng 16.0 match points para makopo ang titulo na ginanap sa Family Country Hotel Function Room sa General Santos City nitong Linggo, 19 Disyembre.

Sa katunayan, ang Ligon Sports Betting-Army ni Mr. Francis Ligon ay nakapagkamada rin ng kaparehas na 16.0 markers.

Dahil sa mas mataas na tie-break points ay tumapos ang Mindmovers Team A sa unahang puwesto matapos maungusan ang Ligon Sports Betting-Army na nirendahan nina National Master Christian Gian Karlo Arca, Christian Arroyo, at Kevin Mirano.

Ayon kay Maharlika Pilipinas Chess League President International Master Hamed Nouri, ang top two teams ay maghahati sa total prizes ng first hanggang second places sa kabuuang P450,000 —courtesy ni boxing legend, at dating senator Manny Pacquiao.

Nasa third place ang Top Secret na sinelyohan nina International Master Jan Emmanuel Garcia, Vladmir Gonzales, at Jian Carlo Rivera na nakakolekta ng 14 match points tungo sa P100,000 prizes sa kanilang efforts.

Magugunitang ang Mindmovers PH CC ang naghablot ng titulo sa Manny Pacquiao at Buena Viel Construction Chess Cup nitong nakaraang buwan na ginanap sa Naga City.

Ang Maharlika Pilipinas Chess League (MPCL) na pinamunuan nina Nouri at Alex Dinoy ang nag-organisa sa nasabing event na suportado nina President Ferdinand Marcos, Jr., NCFP, Philippine Sports Commission, at ng Philippine Olympic Committee.

Mga nakapasok sa top 10 ang Team Matehek (fourth), Mindmovers Team B (fifth), Team Gov. Ruel Pacquiao’s Philippine Airforce Chess Team (sixth), UNASA Big Boys (seventh), Aqua Eternal 2 (eight), UC Chess Infinitum (ninth), at Romblon Chess Club (tenth). (MARLON BERNARDINO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Alex Eala

Eala pinatalsik si Sakatsume, pasok sa quarters

SA KABILA ng makapal na benda sa kanyang kanang hita, nagpakita ng katatagan si Alex …

PVL Premier Volleyball League

Pagpapatuloy kaysa pagbabago: Tumaya ang mga koponan ng PVL sa chemistry

HABANG umikot ang karamihan sa usapan ng offseason ng Premier Volleyball League (PVL) sa mga …

KALARO Jun Lasco Darren Bautista

KALARO: Pagbuo ng Kinabukasan ng Sports sa Pamamagitan ng Isang Pinag-isang Digital Ecosystem

BAGO pa man naging isang Sports Super-App ang KALARO, ang kuwento nito ay nagsimula na …

Alex Eala

Eala winalis si Charaeva sa PH Women’s Open

SA inspirasyon ng home crowd at sa kabila ng pangamba sa posibleng injury, winalis ni …

NST-IAC BBM Pato Gregorio

National Sports Tourism Committee naglatag ng masigasig na estratehiya para sa paglago ng ekonomiya

MABILIS na umuusbong ang sports tourism bilang pinaka-dinamikong tagapaghatak ng pandaigdigang sports economy, at determinado …