Sunday , December 22 2024
Jathniel Caleb Fernandez Adrianna Jessie Magbojos
TUMUDLA ng ginto sina Jathniel Caleb C. Fernandez, sa Archery Boys, 9-anyos ng Baguio City ng tig-5 ginto sa Under 10 Boys/Girls at Adrianne Jessie Magbohos ng Sta. Rosa, Laguna sa ginaganap na 2022 PSC-Batang Pinoy sa Vigan, Ilocos Sur. (HENRY TALAN VARGAS)

Fernandez, Magbojos humakot ng gintong medalya sa PSC-Batang Pinoy

ILOCOS SUR – Humakot ng gintong medalya sina Jathniel Caleb Fernandez ng Baguio City at Adrianna Jessie Magbojos ng Sta. Rosa sa Archery sa Philippine Sports Commission – Batang Pinoy na ginanap sa San Ildefonso, Central School.   

Tig-limang gold medal ang pinana ng 9-anyos na si Fernandez at Magbojos sa Under 10 Boys at Girls sa event na suportado ng Philippine Sports Commission, (PSC) sa pamumuno ni chairman Jose Emmanuel “Noli” M. Eala.

Tinuhog ni Grade 3 student sa Pines Family Learning Center, Fernandez ang 10m matapos umiskor ng 304, 15m (243), 20m (260), 30m (257) at 1440.

Pakay ni Batang Pinoy first timer, Fernandez na sikwatin ang pang-anim na gold medal sa Olympic round ngayong araw.

“Pursigido talaga siyang manalo, pinaghandaan niya itong Batang Pinoy,” patungkol ni Randy Fernandez sa kanyang anak (Caleb).

Sinungkit ni Magbojos ang gold medal sa 10m, 15m, 20m, 30m at 1440 event.

Samantala, naka-double gold medal si Maritanya Krog matapos pedalin ang panalo sa Girls 13 and below Individual Time Trial (ITT) na ginanap sa Provincial Capitol, Diversion Road.

Inirehistro ni Krog ang 12 minuto at 39 segundo para makuha ang pangalawang ginto habang silver at bronze sina Jhanah Abella ng Calapan, at Maria Louisse Alejado ng Iloilo ayon sa pagkakasunod.

Dalawang gold medal ang hinablot ni Mico Villaran ng Bacolod City matapos manalo sa 110m at 200m hurdles sa grassroots development program ng PSC.

Ang nasabing edition ng batang Pinoy ay suportado ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), Department of Interior and Local Government Unit (DILG) at Department of Education (DepED) kasama ang MILO Philippines, Pocari Sweat Otsuka Solar Philippines, Universal Robina Corporation, Coca-Cola Beverages Philippines, Globe Telecom, at Beautéderm.

About hataw tabloid

Check Also

Bambol Tolentino

Magsisimula na ang trabaho sa POC sa 2025 – Tolentino

Ang bagong re-elected na presidente na si Abraham “Bambol” Tolentino ay magtatawag ng pagpupulong ng …

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

MULING isinalba ni Jamesray Mishael Ajido ang kampanya ng Team Philippines sa nasukbit na gintong …

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

FINAL Standing             Gold             Silver         Bronze      Total Philippines-A                   30                   37            32              99 Malaysia –  B                   17                   …

Manny Pacquiao Dubai Sports Council

Sa kolaborasyon ng PH at UAE
Pambansang Kamao Manny Pacquiao, Dubai Sports Council nagpulong para sa oportunidad ng sports development 

NAKIPAGPULONG si Pambansang Kamao at dating Senador Manny Pacquiao sa mga opisyal ng Dubai Sports …

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

TUMULAK patungong Thaiand ang binuong delegasyon ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) na sasabak sa apat …