Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
ABS-CBN 2023 new shows

Dalawang gabing nanguna sa Twitter trend list
MGA BAGONG PALABAS SA ABS-CBN, IPINAKITA SA TRENDING CHRISTMAS SPECIAL

PATULOY ang ABS-CBN sa paglikha ng mga dekalidad at makabuluhang mga palabas sa susunod na taon matapos nitong ipakita ang mga dapat abangang bagong show sa 2023 noong Linggo (Disyembre 18) sa trending na Tayo Ang Ligaya Ng Isa’t Isa: ABS-CBN Christmas Special 2022. 

Ipinasilip ng kompanya ang anim na bagong serye na dapat abangan, kasama na rito ang Dirty Linen na pinagbibidahan nina Zanjoe Marudo, Janine Gutierrez, Francine Diaz, at Seth FedelinFPJ’s Batang Quiaponina Coco Martin at Lovi PoeLinlang, ang pagbabalik telebisyon ni Diamond Star Maricel Soriano, ang unang teleserye ng DonBelle na Can’t Buy Me Love, ang Drag You And Me na pangungunahan ni Andrea Brillantes, at ang iWantTFC youth series na Teen Clash  nina Markus Paterson, Jayda Avanzado, at Aljon Mendoza.

Magbabalik din ang hit reality singing contest na The Voice Kids para sa bagong season nito kasama si coach Bamboo at mga bagong coach na sina KZ Tandingan at Martin Nievera. May bagong season din ang I Can See Your Voice kasama si Luis Manzano bilang host.

Ipagdiriwang din ng ABS-CBN ang ika-60 taon sa industriya ni Star for all Seasons Vilma Santos sa pamamagitan ng mga espesyal at eksklusibong palabas kabilang na ang one-on-one interview nito kasama si Boy Abunda.

Patuloy ang kasiyahan dahil nakatakda ring ipalabas ang Miss Universe 2023, live mula sa Estados Unidos, sa iba’t ibang platform ng ABS-CBN sa Enero 15.

Handog din ng ABS-CBN Films ang isang bagong pelikula na Love on a Budget, na bibida sina Carlo Aquino at Metro Manila Film Festival 2020 Best Actress na si Charlie Dizon, habang ang pinaka-aabangang international series na Cattleya Killer  na pinagbibidahan ni Arjo Atayde ay mapapanood na rin sa 2023.

Nagpahayag ng kasiyahan ang netizens para sa mga bagong palabas at proyekto. Dahil dito, nanguna ang hashtag na #ABSCBNChristmasSpecial2022 sa mga trending topics ng Twitter noong Sabado at Linggo.

Pinuri ng netizen na si CM Tayor Pahang III ang ABS-CBN dahil sa iba’t ibang handog nito. “Talaga bang wala kayong franchise? Hehehehe… Dami ng show ah. The best. Kapamilya Forever,” komento niya.

Sabik na rin ang isa pang netizen na si Kim Co sa bagong shows ng ABS-CBN. Aniya,  “As a #KapamilyaForever, nae-excite ako sa lahat pero inaabangan ko talaga in the 1st quarter of the upcoming year is yung Dirty Linen. I’m sure that a lot of people will find this interesting. Can’t wait!!!”

Panoorin ang mga highlight ng two-part ABS-CBN Christmas Special sa ABS-CBN Entertainment website, Facebook at YouTube account, at iWantTFC.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …