Monday , December 23 2024
Andrew Schimmer Jho Rovero

Asawa ni Andrew Schimmer pumanaw na

SUMAKABILANG-BUHAY na ang asawa ni Andrew Schimmer na si Jhoromy Rovero kahapon ng gabi matapos ang isang taong pakikipaglaban sa sakit na hypoxemia.

Si Andrew ang naghayang ng malungkot na balita sa pamamagitan ng kanyang video post sa kanyang Facebookaccount.

Lahad ni Andrew, nasa taping siya ng Family Feud Philippines ng GMA7 nang makatanggap ng tawag mula sa mga doktor sa ospital dahil bigla raw nawala ang blood pressure at oxygen saturation ni Jho.

Kaya po dali-dali naman tayong dumating dito. Inabutan natin siyang inire-revive ng ating doctors and nurses. They did everything they could,” ani Andrew. “Ang sakit lang,” malungkot na sabi pa ng aktor.

Sinabi pa ni Andrew habang pigil na pigil ang pagptak ng luha, “Guys, maraming, maraming salamat sa mga nagdasal, sa mga taong hindi nakalimot sa amin, thank you, thank you! 

“Ang sakit lang kasi birthday ng bunso namin mamaya, hindi na siya inabutan ng bunso namin.

Ito ‘yung ating sleeping beauty. Iniwan niya na tayo mga kapatid.”

May ibinahagi ring picture si Andrew na magkahawak-kamay sila ni Jho na may caption na, “The Love of my Life…my wife..my best friend.. my partner in everything. Remember your promse, together forever.”

Nitong oktubre lamang ay ibinahagi ni Andrew ang paglabas ni Jho sa ospital matapos ang halos isang taon na pamamalagi nito roon. Subalit pagkaraan ng pitong araw bumalik din sila ng pagamutan dahil sa pamamanas ni Jho.

November 2021 nang ma-comatose si Jho dahil sa asthma.

At noong Disyembre 10 ay ibinalita ni Andrew na ikakasal sila ni Jho bago mag-Pasko at ipinost pa niya ang kanilang mga singsing.

Caption nito, “We will not wait anymore for the right moment to come…by GOD’s grace it will HAPPEN (emojis heart, praying hands) very very (emojis arrows).”

Ang aming taos pusong nakikiramay kay Andrew at sa buong pamilya ni Jho.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …