Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Julia Montes Vilma Santos

Julia gustong makatrabaho si Ate Vi 

PAGKATAPOS maging bahagi ng FPJ’s Ang Probinsyano mas madalas mapapanood si Julia Montes pagdating ng 2023. May kasunod agad kasing project ang aktres na tiyak ikatutuwa ng fans niya.

Ang tinutukoy namin ay ang action film na Topakk na sobrang ikina-excite ni Julia.

“Siguro ang maise-share ko lang sa buong pagfi-film ko ng movie, na-inspire ako to work ulit. ‘Yun ‘yung parang naging dating sa akin while doing that film. Mas makikita pa nila ako this 2023,” pagbabahagi ni Julia sa interbyu sa kanya ngPUSH

Naibahagi rin ni Julia na gusto niyang makatrabaho ang Star for All Season na si Vilma Santos

“Kasi sa lahat ng napanood kong films niya, ang dami niyang nagawa, ang dami niyang naikot na characters. Parang alam ko, personally and with work, ang dami kong matututunan sa kanya. And every time na nakikita ko siya, ‘yung presence niya mararamdaman mo na you will never get intimidated sa kanya kasi ganoon siya kabait,” sambit ni Julia. 

“Gusto kong ma-experience ‘yung power ng isang Vilma Santos. Favorite movie ko na andun siya is ‘Anak.’ All-time favorite ko talaga kasi idol ko rin si Ms. Claudine Barretto. Kaya ‘pag pinagsama pa ‘yung dalawa talagang solid,” may excitement na sabi pa ni  Julia.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …