INI-RELEASE na ng ABS-CBN ang first glimpse ng Teen Clash, isang adaptation mula sa popular na Wattpad novel at magtatampok kina Jayda Avanzado, Aljon Mendoza, at Markus Paterson.
Isang teaser ng Black Sheep production ang ipinakita noong Linggo kasabay ng pagpapakita ng Christmas special ng ABS-CBN.
Kasama ito sa omnibus trailer ng Kapamilya titles na dapat abangansa 2023.
“Ang well-loved online novel, isa nang iWantTFC teen series. Ito ang programang magbibigay ligaya at kilig,”ayon sa teaser said.
Ang Teen Clash ay base sa libro Ilyn Anne Danganan na kabibilangan ng mga young artist ng ABS-CBN tulad nina Paterson bilang Jude, Jayda bilang Zoe, at Aljon bilang Ice.
Tampok din sa limited series sina Zach Castañeda bilang Xander, Kobie Brown bilang Josh, Ralph Malibunasbilang Ken, Bianca de Vera bilang Yannie, Gail Banawis bilang Ayumi, Fana bilang Sab, Andrea Abaya bilang Mandy, at Luka Alford bilang Lloyd.
Ididirehe ang Teen Clash” ni Gino M. Santos, ang direktor na nasa likod ng Love Me Tomorrow at Ex with Benefits.