Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Belle Mariano Donny Pangilinan

DonBelle magsasama sa isang teleserye 

KASUNOD ng tagumpay ng kanilang launching project sa small at big screen, magsasama sina Belle Mariano at Donny Pangilinan sa kanilang kauna-unahang teleserye sa ABS-CBN.

Sa pahayag ng ABS-CBN pangungunahan ng DonBelle ang cast ng Can’t Buy Me Love.

Abangan ang first-ever teleserye ng ‘New Gen Phenomenal Love Team,’” ayon sa trailer na ipinakita sa isinagawang Christmas special.

Ang Can’t Buy Me Love ang magsisilbing latest career milestone ng DonBelle bilang loveteam kasunod ng kanilang romantic-comedy film na An Inconvenient Love.

Naging matunog ang tambalang DonBelle noong 2021 dahil sa record-breaking pair ng kanilang iWantTFClimited series na He’s Into Her at ng digital release ng kanilang launching movie na Love Is Color Blind.

Bukod sa Can’t Buy Me Love ipinakita rin ang mga dapat pang abangang show sa ABS-CBN tulad ng FPJ’s Batang Quiapo na magtatampok kina Coco Martin, Lovi Poe, at Charo SantosLinlang tampok sina Maricel Soriano, Kim Chiu, Paulo Avelino, at JM de Guzman; at ang Dirty Linen nina Janine Gutierrez, Zanjoe Marudo, Francine Diaz, at Seth Fedelin.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …