Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bamboo KZ Tandingan Martin Nievera

Bagong set ng The Voice Kids coach ipinakilala

MAGBABALIK ang Rock icon na si Bamboo sa upcoming season ng The Voice Kids sa 2023 at makakasama niya ang dalawang bagong coach sa pagme-mentor ng mga  future singing champion.

Si Bamboo, ay original coach ng programa simula nang ito’y mag-umpisa noong 2013 sa kanilang adult edition, at muling sumubok na magwagi sa Kids edition mula nang magwagi mula sa kanyang kuwarda si Elha Nympha noong 2015.

Ang pagbabalik ng tinaguriang Noypi hitmaker ay kinompirma sa isang omnibus trailer ng ABS-CBN programs na mapapanood sa 2023, na ipinakita noong Linggo para sa kanilang Christmas special.

“Muling maririnig ang boses ng batang Pinoy, with the OG coach Bamboo. Let’s welcome the new coaches — KZ Tandingan and Martin Nievera!” anang trailer.

Makakasama ni Bamboo sina KZ Tandingan at Martin Nievera.

Ang The Voice Kids, isang competition para sa mga edad 6 to 12 ay nagsimula na nag audition noong pang Nobyembre. 

Bukod kay Elha ang mga nagwagi rin sa Voice Kids ay sina Lyca Gairanod (2014), Joshua Oliveros (2016), at Vanjoss Bayaban (2019).

Sina Lea Salonga at Sarah Geronimo ang mga datihang coach sa Voice Kids at minsan ding nakasama si  Sharon Cuneta.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …