Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ai Ai de las Alas Miguel Vera

Ai Ai at Miguel nagkasundong magsama sa isang concert

I-FLEX
ni Jun Nardo

NAPANOOD si Ai Ai de las Alas ng dating asawang singer na si Miguel Vera nang magkaroon ang una ng show sa Amerika para sa GMA Pinoy TV.

Eh na-miss niya raw mag-show. Inalok niya ako. ‘Halika Mamey, show tayo!’ ‘Go!’” sabi ni Ai Ai nang makausap ng press.

“First time uli naming magsasama sa buong buhay namin. First time magkasama sa show,” dagdag ng Comedy Queen.

Taong 1998 nang maghiwalay sina Ai Ai at Miguel. Naging guest sila sa isang show pero ngayon lang sila magsasama sa isang back to back show. May sari-sarili na silang asawa.

Sa January 21, 2023 pa ang show nina Ai Ai at Miguel na may title na Ang Dating Kami na gagawin sa Civic Center sa Bellflower, California.

Bumalik din sa bansa ang Comedy Queen para sa taping ng bagong season ng GMA’ s singing competition na The Clash.

Simpleng selebrasyon niya ng Pasko ang magaganap sa Amerika kasama ang anak at asawang si Gerald Sibayan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun Nardo

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …