SA pagtatapos ng 2022, sasabak sa isang hybrid face-to-face workshop sina Direk Rahyan Carlos kasama ang kanyang coaches at mentorssa Toronto, Canada sa pakikipagtulungan kina Ms. Rechelle Everden at Mr. Chalen Lazerna ng AMP Studios Canada—ang opisyal na partner ng ABS-CBN’s Star Magic for Acting, Voice and Dance Workshops sa Canada.
Series ng face-to-face workshops para sa Acting and Voice ang gaganapin sa December 14 at 15. Sinimulan na nila ang online training at workshopsnoong August at magkakaroon ng voice workshop sa December 16. Isa sa espesyal na guest performing artist si music icon Ice Seguerra.
Ang head ng Star Magic Artist Training and Workshops na si Direk Rahyan ang bukod-tanging Pinoy na certified Chubbuck Technique premiere acting teacher sa ‘Pinas. Hinubog niya ang ilan sa award-winning aktor tulad nina Christian Bables, Joshua Garcia, Jane De Leon, Coco Martin, Julia Barretto, Jake Cuenca, Liza Diño-Seguerra, Anna Luna, EJ Falcon, Alora Sasam, Ynna Asistio, Roco Nacino, Sandino Martin, Arjo Atayde, Paulo Avelino, Joshua Garcia, Janella Salvador, Charlie Dizon at marami pang iba.
Ang Star Magic Workshops Head, na si Direk Rahyan ay hinubog ng world renowned acting teacher na si Ivana Chubbuck sa Hollywood na siyang mentor ng mga award winning actors tulad nina Halley Berry, Charlize Theron, Beyonce Knowles, Ian Somerhalder, Brad Pitt, Jim Carrey, Jake Gyllenhaal, Sylvester Stallone, Jared Leto, Gal Gadot, Judith Light at marami pang iba.
Nang dumating ang pandemya at humina ang ekonomiya, hindi nag-aksaya si Direk Rahyan at ang Star Magic Workshops sa paghahanap ng paraan para mabago at mag-adapt sa virtual workshops at trainings. “In April 2020, after a month-long of intensive studying, auditing classes abroad and transposing modules online with my teachers, we resumed the training for acting, dance, voice and conversational tagalog via zoom. And it worked!”sabi ni Direk Rahyan.
Last June 2020, nagkaroon ang Star Magic ng soft launch para sa online workshops “We had 300 students all over the world during the pandemic from 22 participating countries such as England, London, New Zealand, Singapore, Japan, Australia, Florence Italy, Virginia, New York, L.A., Guam, Malaysia, Papua New Guinea, France, New Jersey, Dubai, Qatar and Canada. We had live and recorded online recitals and culminating activities of all our workshops and people were so entertained and cheered for their loved ones who participated in the online training,” sabi ni Direk Rahyan.
Nagkaroon di ang Star Magic ng pinakaunang online workshop para sa mga kalahok sa Canada sa pakikipagtulungan ng AMP Studios Canada- ang artist training arm at production company na nabuo noong 2019 sa Ontario Canada. Ito ay nagbibigay edukasyon at training programs sa mga aspiring sa larangan ng performing arts. Bukod sa artist training, sila ay aktibo ring nagbibigay ng suporta sa panglokal na proyekto ng Filipino-Canadian communities.
Ang misyon nito ay ang magsanay at magdiskubre ng talento upang maging award-winningat world-class artists sa kani-kanilang mga larangan ng kadalubhasaan at makapaglahad ng kalidad na pelikula at serye sa telebisyon kasama ang mga AMP Canada’s homegrown talents.
Para sa mga interesadong mahubog ang galing sa acting, dancing, singing and voice, iniimbitahan na sumali sa Star Magic workshops.