I-FLEX
ni Jun Nardo
SANIB-PUWERSA ang pamunuan ng MMDA at bahagi ng 2022 Metro Manila Film Festival para masigurong mas maraming tao ang mahikayat nila upang pasukin ang sinehan sa December 25, ang simula ng festival.
Nakipagsaya rin ang mga opsisyales sa media, at may pa-raffle na ngayong lang muling ibinalik ngayong maluwag na ang restrictions.
Wala naman silang ambisyon na maging P1-B ang kita ng festival. Masaya na silang makitang maraming taong manonood.
Sa December 21 ang Parada ng mga Artista na magsisimula sa QC Welcome Rotonda dahil ang QC government ang lungsod na in charge sa parade.