Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
KSMBPI Mike Aragon Celebrities Atbp Laban sa Climate Change

Founder ng KSMBPI totoo sa pangako

NAGKAROON man ng problema na hindi nasunod ang unang napag-usapan na manggagaling ang papremyo mula sa isang konsehal ng QC para sa mga nagwagi sa isinagawang dance-cosplay contest kaugnay ng Celebrities Atbp. Laban sa Climate Change, agad nagawan ng paraan ni Dr Michael Aragon, founder ng Kapisanan ng mga Social Media Broadcasters ng Pilipinas (KSMBPI).

Tila nagkaroon ng miscommunication ang opisina ng konsehal ng QC at tauhan ni Dr. Mike bagamat iginiit ng huli na mismong sila ang magkaka-usap noong una. At nagkaayos nga na ang konsehal ang magbibigay ng premyo.

Anyway, mabilis na ginawan ng tseke ni Doc Mike ang mga nanalo at iniabot agad noong umagang iyon sa mga nagwaging— Over all-Jolito Beral—Sun Wukong (PHP 30K); Anime—Kean Juries-Chainsaw Man(PHP 10K); Armor—Joren Dave Rivas—Dragong Wukong (PHP 10K); Cloth—Glenn Cuevas—Joker(PHP 10K); at Games—Eliza Ann Pecaoco-Freya(PHP 10K).

Ang mga nabanggit ang nanalo sa isinagawang concert event noong November 30 sa Sct. Borromeo bilang bahagi ng Clean Air Month. Layunin ng event na mapalaganap sa madlang pipol ang awareness tungkol sa climate change at ang masamang epekto nito sa ating kalusugan.

Nagkaroon ng dance-cosplay contest na ang nakuha nilang sponsor ay isa sa mga dating konsehal nga sa District 2 ng Kyusi.

Kuwento ni Doc Michael, minsan lang niyang na-meet ang nasabing konsehal na ipinakilala sa kanila ng partner nila sa Flash TV. Nag-face-to-face meeting sila at nag-pledge naman daw ang naturang konsehal na magdo-donate ng P70K na papremyo para sa grand winner at apat pang winners sa apat na categories sa dance-cosplay contest.

Isang araw bago ang event noong Nov. 30 ay ni-remind nila ang naturang konsehal, pero hanggang noong mismong araw ng concert ay hindi na ito nagpakita o nagparamdam man lang. 

At hanggang nppng Huwebes na dapat ay awarding ng winners, inasahan nila ang pagdating ng konsehal pero no show na talaga ito at hindi na rin makontak.  Kaya naman personal money na ni Doc Michael ang ibinigay niya sa mga winner para ‘di mapahiya ang KSMBPI at CAPMI. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …