ISA na namang tagumpay ang inihatid ni Dolly De Leon matapos magwagi bilang Best Supporting Performance para sa pelikulang Triangle of Sadness sa naganap na Los Angeles Film Critics Association Awards sa Amerika.
Ipinost ang pagwawagi ni Dolly ng nasabing award-giving body. Caption nila sa tweet, “Best Supporting Performer, Winners: Dolly de Leon, TRIANGLE OF SADNESS and Ke Huy Quan, EVERYTHING EVERYWHERE ALL AT ONCE.”
Kinilala ang husay ni Dolly sa pagganap niya bilang Pinay overseas worker sa isang luxury yacht.
Ang Triangle of Sadness ay idinirehe ng isang Swedish director, si Ruben Ostlun.
Ito ay tungkol sa isang “class warfare comedy” o satire na pinapurihan ng international critics sa Cannes.
At dahil sa husay na ipinakita ni Dolly sa pelikula, may posibilidad na ma-nominate siya sa Oscars 2023.
At noong nakaraang linggo, nominado siya bilang Best Supporting Actress sa 2022 Satellites Awards sa Amerika.