MATUNOG ang tsikang si Andrea Brillantes ang napili para magbida sa bagong version ng fantasy-drama series na Dyesebel.
Ito rin ang usap-usapan sa social media kasabay ng ibinalita ng talent manager at vlogger na si Ogie Diaz sa kanyang Showbiz Update YouTube channel.
Ayon sa chika, sisimulan na ang shooting ng Dyesebel sa 2023 na ipapalit ng ABS-CBN sa Mars Ravelo’s Darnana pinagbibidahan nina Jane de Leon, Janella Salvador, at Joshua Garcia.
Ang Dyesebel ay likha ni Mars Ravelo na siya ring nasa likod ng Darna, Captain Barbell, at Lastikman.
Ang huling gumanap na Dyesebel ay si Anne Curtis na umere sa Kapamilya Network noong 2014.
Wala pang inilalabas na official statement ang ABS-CBN kung matutuloy ba sa 2023 ang Dyesebel at kung si Andrea na nga ba ang bibida rito.